ALAISA POV
PATULOY lang ang pagluha ni Myrna na parang pinipigilan siya ng aksyong ito para kontrolin siya sa aksyong dapat niya talagang gawin sa mga oras na ito.
"Myrna, hindi ko kailangan ang pag-iyak mo. Sige, matatapos ba tayo dito kung magkakaganyan ka lang lagi? Kailangan ko ang sagot mo! SUMAGOT KA!" Napasigaw na ko sa pamimilipit sa kanila ng mga sagot.
Hanggang sa napasigaw na din si Myrna sa sagot.
"OO, OO! TOTOO LAHAT NG MGA NARINIG MO! To..totoo! Totoo! We're so sorry Ysa kung hindi kaagad namin nasabi sa iyo! Natatakot kasi kami na baka masaktan ka." Hindi ko nanaman alam kung anong mga ilalarga ko ngayong oras na ito sapagkat muli nanaman akong nakarinig ng mga bagay na makakasakit sa damdamin ko.
Napalayo ako ng kaunti sila at nagwika ng ilang mga salita.
"Ba...bakit? Bakit hindi niyo kaagad sinabi sa'kin 'to?" Mahinahon pa lamang ang tono ko hanggang sa bigla ko itong nailakas. "BAKET? BAKET HINDI NIYO KAAGAD SA SINABI SA'KIN? BAKIT NIYO NILIHIM SA'KIN 'YAN!!??" Pasigaw kong sabi.
Hindi ko naman maiwawaglit na ganito ang maramdaman ko dahil isang taong mahal mo, naghihirap sa mga pasakit.
"Kaya kami nag-so sorry sa'yo kasi nga ngayon mo pa lang nalaman ang mga dapat mo nang malaman." Paliwanag naman ni Jushia.
"So, akala niyo ba, gano'n-gano'n na lang ang sikretong iyon para itago sa akin? BUHAY ANG NAKATAYA NGAYON SA KANYA. Kaya sana naman binagabag din kayo ng konsensiya niyo sa tinago niyo sa'kin." Ngayon, halong galit at lungkot ang nararamdaman ko.
"Ysa, I'm so sorry!" Pakiusap ni Janna habang nalapit siya ngunit pinigilan ko siyang lumapit sa akin.
"Huwag muna Janna! Hanggang diyan ka na lang! Hindi ko na lang alam kung kayo pa ba yung mga kinilala kong kaibigan, dahil muli at muli, PINAGLIHIMAN NIYO NANAMAN AKO!" Pagtapos ko sa usapan sabay-alis sa lugar na iyon.
Nilisan ko na ang lugar at muli, ay nanumbalik sa kuwarto ni Nikko. Bago pa man ako pumasok ay nagdadalawang-isip na ako kung papasok ba ako o hindi.
Alam kong magiging iba na ang ihip nang pag-aalala ko sa kanya ngayon kumpara kanina.
Pagkapasok ko pa lang sa loob, iba na agad ang naramdaman ko.
Lumapit ako sa higaan niya ng dahan-dahan, nandoon pa din si mommy pero nasa sofa na siya.
"Mommy!" Kay mommy muna ako unang lumapit at umupo ako sa tabi niya.
"O, anak! Anong sabi ni Nanay Lory sa'yo?" Napatingin muna ako sandali kay Nikko na kasalukuyang nakahiga ng normal bago ko sinagot si mommy.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...