ALAISA POV
"Ikaw???" paulit-ulit kong tanong sa kanya.
"Diba ikaw yung..... babaeng nakita ko sa fitting room?" Sabi niya sa'kin. Bigla naman akong naging pabebe at nagwika ng...
"Meron pa bang iba? Ikaw naman kase eh, tinuhog pa ko, (Hihihi)." pagsagot ko sa katanungan niya.
"Excuse me. Did you say something. Anyway, Alaisa right." matino niyang sabi kasabay naman ng pagkaramdam ng kilig sa kaloob-looban ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago magsalita.
"Buti, naalala mo pa. Akala ko isa ka sa mga lalaking makakalimutin na sa una lang magaling. Ok, sorry ah. Di pa nga kita masyadong kilala eh, hinuhusgahan na kita. Andy diba?",sabi ko sa kanya at tumango din naman siya kahit napakahaba ng aking sinabi.
"Tama, tsaka naiintindihan ko naman. Baka malay mo, baligtad lahat ng mga sinasabi mo sakin." agad niyang pagdepensa sa sinabi ko kahit na di ko naman hinihingi.
"Sineryoso mo naman kaagad. O sige na. See you later!", huling salitang sinabi ko sa kanya bago ako pumasok ng room.
"Sige, bye." ganun din siya.
JANNA POV
KANINA kasama ko lang yung babaeng yon, nasaan na ba yon?
Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan siya.
"Hello, Alaisa. Nasaan ka na ba? Kasama lang kita kanina, bigla ka na lang nawala." bungad ko sa kanya.
"Ay, oo nandito ako sa hallway mg school. May kausap ako." galit niyang sabi sa akin. Galit kaagad. Binaba ko na lang yung phone at nagpunta na sa hallway.
Paglapit ko naman sa kanya, wala na yung kausap niya. Tulala nanaman siya. Kinalabit ko siya't ginulat.
"HOYYYYY!!!! Alaisa, yan ka nanaman, ikaw talaga. Para ka nanamang hangin na palutang-lutang." sabat ko sa kanya. "Let me guess, kinikilig ka, nakita mo nanaman yung... alam mo na." sabi ko sa kanya.
"Sabi mo diba, di ko na siya makikita so anong dahilan para kiligin ako?" tanong niya sakin ng pagalit. "Isa pa, kaklase ko lang yon, natin pala, na di na natin nakikita dati, si Clyde." pagdugtong niya sa sinabi niya. Bigla akong napatahimik kasi....... wala nevermind.
Si Clyde yung binabanggit niyang close na kaklase namin, lagi kaming tinutulungan sa lahat ng mga gawain na nahihirapan kami. Pogi pa. Oopps, pero.... basta wala na yun ng ilang taon. Lumipad na ata ng somewhere.

YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...