ALAISA POV
NAKAKABANAS na pumunta ako ng room. Nginitian ko na lang si Myrna tsaka nagtungo sa upuan.
Pag-upo ko naman, siyang pagdating ni Janna. Tumingin lang ito sa akin ng walang emosyon sandali, tapos pumunta na din ng upuan.
Ano kayang nangyari doon?
Inilabas ko muna ang notebook at nag-aral sa agricultural science, maaga ang test namin dito tsaka 10 subjects ang kailangang i-test for this day and next week.
Minutes later, dumating na din ang teacher namin. Pumasok siya sa room at bumati sa'min.
"Okay, Good morning class." Nagsitayuan kami.
"Good morning ma'am!" Masigla naming sabi, at umupo na kami.
"Okay, so get your intermediate pad and we will be starting already the test. I hope everyone have their own review. Good Luck." Kinuha ng teacher namin ang mga test papers at pinagparte iyon sa dalawa. "Here. You will pass the test papers backward. That is all 60 items. Again, good luck and if you already receive your test paper, you may now proceed to answering." Sinimulan ko na ang pagsasagot. Habang nagsasagot, narinig kong may pinagsasabihan sa may bandang likod sa amin.
Nang tingnan ko ito, nagulat ako na si Janna na pala ang pinagsasabihan.
"Ms. Navarro, why are you not answering? It's been half of our time. Wala pa din akong nakikitang sagot sa papel mo. Answer it now, and pay attention!" Napatigil ako sandali sa kinasusulyapan ko. Naramdaman ko ang mga masasamang ginawa niya sa akin, pero sa mga naramdaman ko, walang galit ang nangibabaw. Awa, iyon ang nangibabaw.
Tumingin ulit ito sa akin, ng walang emosyon. Hanggang sa mapansin kong lumuluha na pala ang mga maiinit na likido mula sa kanya, patungo sa kanyang papel. Nang lumaon, binaling din niya ang paningin niya.
Nakatingin pa din ako sa mga ginagawa niya nang banggitin bigla ng aming guro ang aking pangalan.
"Ms. Robles, what are you looking at the back? Are you finished?" Napaayos ako ng upo bigla.
"Nothing ma'am. And, I'm already finished na po." Tumayo ako ng kusa at ibinigay ang papel sa kanya.
Di ko pa din mawari ang mga nangyayari sa kanya. Bakit yung kaninang nagmamayabang at nagmamataas, biglang bumaba na lang ng mabilis.
Alam ko naman na hanggang ngayon, may pagmamahal pa din ako sa kanya kaya kung may kaugnayan man iyon sa amin, handa ulit ang puso kong buksan ito para sa kanya.
Kasi, kahit ano pa mang gawin niya, she will always be a friend of mine.
JANNA POV
GALIT NA GALIT ako sa sarili ko. Sising-sisi ako sa mga pinaggagagawa ko. Alam kong hinding-hindi niya nga magagawa iyon.
Pagkatapos na maungkat lahat nang nasa baul, muling bumalik sa akin ang mga ginawa ko sa kanya. Bakit kaagad ako nagpalason? Bakit hindi ko muna pinakinggan ang parte niya? Bakit ako nagpadala sa maling pusa?
Hindi ko na alam ang mga gagawin ko nang malaman ko ang lahat.
FLASHBACK
Pagkatapos kaming iwan dito ni Alaisa na parang wala lang at pagkatapos kong tanungin ang huling tanong ko kay mommy, nakita kong napatango siya.
"Mommy, was that true? Totoo ba yung sinasabi ni Alaisa?" Ulit kong tanong sa kanya. Hindi ako mapakali sa daan, kating-kati ako na malaman kung ano ba talaga ang sagot sa "ano" ko.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomansA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...