Chapter 7: Shocking Revelation

250 69 0
                                        

ALAISA POV






HINDI KO MAWARI maisip kung ano ang mararamdaman ko. Kung kikiligin ba ko? Magiging masaya? Iiyak? at kahit ano pa. Kaya nga sa second kiss namin, mas lalo naming naramdaman ang pagmamahal sa isa't-isa.





Hindi ko napansin na mag aalasotso na. Kailangang makauwi ako ng maaga, bukas kami magsisimba naman kami bilang thanksgiving sa relationship namin.






"Um, Andy. Pagabi na, uwi na tayo."





"Sige, baka magalit yung friend mo. Nagpromise kasi tayo na maaga tayo uuwi."






"Hindi yan magagalit, sabi ko naman sayo malaki na ang pinagbago niya. Simula nong naramdaman niya ulit yung concerned ng parents niya sa kanya."





At yon na, inangkas niya na ako sa motor niya. Akalain mo, mula Cavite hanggang Manila, iyon lang ang ginamit namin. Buti na nga lang walang nangyaring disgrasya. Ngayon, pabalik na kami. Magcacavitex na kami para mabilis which is yun naman talaga ang dapat daanan.





Hanggang sa makarating na kami sa subdivision namin, binaba niya na ako sa Street namin.





"Goodnight, hubby. Happy monthsary."






"Goodnight too, hubby. Happy monthsary." pagkatapos kong sambitin ang mga wikang iyon, pumasok na ko sa bahay. Di ko namalayan na nandyan pala si Janna. Oo nga pala, iniwan ko ang bahay sa kanya.






"Masaya ba, Alaisa. Abot langit ang ngiti natin diyan ah. Well, tamang-tama naghanda ako ng kaunting snacks sa ating dalawa. Di naman mabigat sa tiyan. Alam ko namang nakakain ka na." Hindi na ako tumanggi sa kanya kasi hawak niya kasi yung paborito kong dessert.






"Wow naman, yun talaga yon eh! Let's eat na. Ba naman kasi di napigilam ni Andy ang sarili niya kaya nahalikan niya ko sa......." Bigla kong tinakpan ang bibig ko.







"Ah, ano yun Alaisa, medyo di ko narinig. Puwede bang pakiulit. Bat ka pa nagtakip ng bibig, may kailangan ba kong malaman. Alam mo Friend, alam ko na yan. Nagkafirst kiss ka na sa kanya. Di mo na kailangang itago." Nabigla ako sa mga sinabi niya. Alam niya? Bakit? Paano? Kailan?






JANNA POV






HINDI niya na kailangang itago ang mga iyon, alam ko na man na at tanggap ko na yon. Di pa rin talaga ako makapaniwala nong gabing nangyari yun.




FLASHBACK




Nauna na ako dahil alam ko namang may lakad pa ang dalawa sa daysary nila. Medyo naninibago pa rin ako sa mga nagyayari. Kasi ang ikinalulungkot ko, baka malessen yung time na magkasama kami.




Naisip ko, kung dumiretso kaya ako sa bahay nila. Tutal, para makapagbonding din kaming dalawa. Nagpaalam na man na ako kina mommy at daddy.




"Um, mom, dad. Puwede po bang mamaya, doon muna ako kina Alaisa matulog?




"Bakit naman anak, ayaw mo ba kaming makasama dito. Kung naiisip mo pa rin iyun, mas gagawin pa namin........




"A hindi po yon ganoon. Siyempre naman po gusto ko kayong makasama dito, I want lang po sana na makapagbonding kaming dalawa kasi nga po diba, in a relationship na siya. Gagawin ko po ito para sa aming dalawa. Gusto ko rin po siyang sorpresahin nang sa gayon naman po eh kahit na kaunti na yung time na naiispend niya sa'kin, gusto ko pa rin pong ipadama sa kanya na nandito lang po ako sa kanya palagi." Ang mahaba kong paliwanag sa kanila. Alam kong kailangan nila ng kumpletong detalye kapag magpapaalam ako sa kanila. Sobra na talaga ang concerned nila sa'kin. Pumayag naman sila na naging dahilan ng aking malaking kasiyahan.






Forever: Is It True?Where stories live. Discover now