Chapter 48: Start This With A Cure

158 64 0
                                    

"I am sick in happiness." - Nicolas Clarte

---------------------xx

ALAISA POV

HAWAK-HAWAK ko pa din ang bisig niya. Ala-alalay ko baka bumagsak.

"Mommy! Mommy!" Sigaw ko sa loob.

"Anong nangyari Alai..... Nicolas!! Anong nangyari sa kanya?" Tarantang tanong ni mommy.

"Pinapasok ko lang po siya tapos bigla na lang pong bumagsak. Ano pong gagawin natin?" Ano ba naman kasing ginagawa ng lalaking 'to? Parang kanina lang, naging pabida pang ipagtanggol ako kina Janna tapos ngayon ganito pa.

"Buhatin na lang natin siya sa sofa. Para maging komportable, baka nabinat lang' to. Manong, pakitulungan kami." Lumapit sa amin ang bantay na guard at tinulungan kami.

Inihiga namin siya ng maayos sa sofa. Malawak naman ito kaya makakahiga siya ng maayos.

"Anak, sandali lang. Tatawag lang ako ng doktor." Tumango na lang ako. Siyempre mayaman, magdodoktor talaga 'yan kahit hindi naman ganoong kalala ang sakit. Masyadong nasobrahan lang ang pag-aalala. Di ko rin naman masisisi si mommy, she is she.

Tumitig muna ako sa kanya sandali. Di ko alam kung anong nag-udlok sa akin. Mukha siyang nakakaawa. Naaawa ako sa kanya nong makita ko siyang bagsak. Kitang-kita ko ang kalungkutan at kapighatian sa mukha niya kahit hindi nakamulat ang mga mata nito.

What are you doing to yourself?

"Anak, kumain ka muna. Malapit na daw yung doktor." Lumingon muna uli ako sa kanya tsaka sumagot.

"Sige po." Pumunta na nga ako sa hapag at kumain na mag-isa. Si mommy, busy pa din sa pag-aasikaso kay Nikko. Ano ba kasing pinaggagagawa niya?

Nang matapos ko na ang pagkain, dumating na ang family doctor namin. Lumapit ako sa may living room kung saan malapit kay Nikko.

Nang kinonsulta niya ito, inuna muna nito ang heartbeat. Hanggang sa sinundan na ng iba't-ibang pag-oobserba.

Mga 20 minutes, nalaman din namin kung anong mayroon sa taong 'to.

"As usual, the vital signs are working good. Stress and overthinking ang posibleng naging dahilan kung bakit siya nahimatay. Pero don't worry, he will be okay. Later on, magigising din siya. Kailangan niya lang ng pahinga." Napaisip ako sumandali. Stress and overthinking? Huwag niya lang talagang sasabihin na nangyayari 'yang mga iyan dahil sa akin.

Kung sa bagay, kung minsan natatraffic lang ang karma, pero dumadating din. Mukhang nakahanap din siya ng katapat niya.

"Ganoon po ba. Sige po, we'll just take care of him." Sabi ko. Hindi ko nga alam kung nasabi ko nga ba 'yon kasi nabanggit ko ang salitang aalagaan namin siya, ibig sabihin kasama ako. Ano rin bang nangyayari sa'kin? May sakit ba ko?

"Okay. By the way, aalis na din po ako dahil may mga patients pa po ako na nanghihintay sa hospital. Ma'am, thank you. I hope maging okay na siya." Pamamaalam ng doktor.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now