ALAISA POV
THE DAY na labis kong pinaghandaan. Nangako ako sa sarili ko na hindi ako iiyak. Hindi ako papayag na lamunin ako ng kalungkutan ko.
Himala, umaga pa lang. Nagtext na sa'kin si Andy.
"Good morning hubby. Nagtatampo ka ba? Pasensiya na ah, di ako nakapagparamdam sayo kahapon. Alam mo naman, inaalagaan ko ang tatay ko." (3:05 am)
Gusto kong sumigaw sa nareceive ko. Gusto kong magwala. Gusto kong magalit at murahin siya. Ako pa ang gagawin niyang TANGA? Oo, naging ganoon ako dahil masyado akong nagpasakop sa kanya. Ngayon, may natutunan ako sa mga pangyayaring iyon. Katulad ng sinabi sa akin ni Janna, kilalanin muna ang mga pagkatao ng bawat kinikilala dahil di natin alam na nasa likod nila ay ang dahilan upang sila'y iyong kamuhian.
Pinaringgan ko na lang siya sa may text.
"Ah ganun ba. Akala ko kasi meron na. You know noh, sa mall. May ikukuwento sana ako sayo tungkol doon pero gusto ko, yung sa personal. Mabibigla ka talaga, promise. Hehehehhe. Joke lang yun. O sige na." (7:45 am)
"Sunduin na lang kita diyan mamaya. Love you hubby."
(7:47 am)"Ok. See ya." (7:55 am) Akala niya maloloko niya pa ako. Mama niya. Ayokong makipagplastikan sa kanya pero alam kong ito muna ang mas magandang panimula para sa aking pinaghandaan na paghihiwalay.
Kakaiba? Oo, ayoko ng mga breakup na umiiyak. Nakakarindi't nakakasawa. Emo na lang ng emo, may mapapala ba ang pag-iyak? Babalik ba siya sa'yo. Hindi naman diba. Nananalaytay pa rin sa akin ang init ng dugo ko sa kanya.
Hindi ko alam kung anong magiging kahihinatnan ng pagkikita namin. Lahat, lahat ng mga kasinungalingan. Maging si Satanas, mahihiya sa kawalang-hiyaan niya. May sakit na mga tatay niya tapos ganyan pa siya. Gago siya. Hanggang sa tumunog ang doorbell, ito na.
Masyado akong nagprepare sa sarili ko. Nakayellow akong na damit at makeup para masaya lang. Gusto kong ipamukha sa kanya na kaya ko siyang tapakan. Ngayon ko gagamitin ang pagiging competitive ko. Happy breakup ito.
Kumatok siya ng pinto. Gusto ko siyang paglaruan gaya ng paglalaro niya sa akin.
"Alaisa, Alaisa, hubby?" naririnig ko siya pero di ko pa rin siya pinagbubuksan. Nagpalusot ako ng ilang mga salita.
"Um, Andy. Wait muna hah, nagbibihis pa kasi ako. Alam mo na, para makapagprepare sa'yo. Absent din kasi ang maids kaya ako lang nandito. Napapagod ka na ba diyan kahihintay. Upo ka muna diyan." Oo, pinaglalaruan ko talaga siya. Sinasadya kong bagalan ang bawat kilos ko.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...