Chapter 15: New Flow

210 66 0
                                    

ALAISA POV




AFTER 2 DAYS, nakalabas ma kami ng ospital. Medyo may masakit pa sa akin pero naiinda ko na man na.




Sana ito na talaga ang bagong buhay. Dito ko na sana maasam ang sinasabing pagbabago. Sa kabila naman nito, naiisip ko pa rin ang mga nangyari doon sa lumang bahay.





Naiisip ko pa rin yung mga oras na tinulungan ako ni Janna. Nong magkaapoy, pinaibabaw niya ang friendship spirit naming dalawa. Ang pagiging mapagmalasakit niya.





Nagbalik naman ako sa realidad nang makarating na kami dito sa bahay nina Janna. And yes, dito muna daw ako sabi ni tita. Ayoko sa bahay, ayaw kong mapag-isa.




"Ayan, dito na tayo. O, sandali lang ah, tinatawag ako ni
Doc." Pumunta na nga si Tita kay doc, lumapit na rin kami para alam namin kung anong gagawin.




"Nakauwi na ang dalawa, pero advice ko pa rin na magkaroon ng regular check-up every week para mabigyan pa sila ng mga medicines at macheck if they're okay. The good news is, puwede na silang makapasok this Monday. Just to make sure that, kailangan always care lang for themselves. Ma'am, excuse me." Lumingon sa amin si Tita.




"Oh, narinig niyo naman si Doc diba, puwede na kayong makapasok this week and kailangan extra careful pa rin kasi di pa masyadong naghehealed yung mga sugat niyo." Ngumiti na lang kami at tumango bilang pagtugon sa mga sinabi ni Tita.




Kami namang dalawa ni Janna, umupo muna sa sofa. Hay naku, buhay. Bat pa humantong sa ganito. Si Tita naman ay naghanda muna ng tanghalian.




"O siya, siya. Pupunta muna ako sa kitchen. Alam ko namang gusto niyo iba naman ang matikman niyo." Nagpunta na si tita sa kitchen. Kami, nanood na ng K-Drama, "What's Wrong With Secretary Kim." Episode 11-12. Next next week na rin ang ending.



As usual, mas kinikilig si Janna kaysa sa akin. Ako naman, thinking about that b**ch. Hindi ako concerned sa kanya, ang gusto ko lang malaman kung nakakulong na ba siya, nahuli ba siya noong nakatakas ka. Gusto kong malaman ang totoo.




Napatanong ako tuloy ng bigla kay tita.



"Um, tita. Ano na pong nangyari kay Andy. Nakulong na po ba siya?" Habang hinahalo ang niluluto niyang homemade chicken curry, nagsalita siya at sumagot sa aking tanong.




"Oh, that man. He's in jail already. Pinaratangan siya ng kasong kidnapping, at ito pa. Kaya pala para siyang baliw e positive pala sa paggamit ng droga. Kaya Alaisa, bilang itinuring mo na akong tita, papaalala ko lang sayo, ingat ingat na sa mga kinikilala." Hinawakan ni Janna ang aking mga kamay at parang naeencourage ako sa mga mata niya.





"Kaya ngayon, magsisimula uli tayo. Malayo sa gulo, always happy and positive diba, PARA MAPANATILI ANG BEAUTY." Tumawa na lang kami ng tumawa. Tama si Janna? Bagong buhay, bagong pag-asa.




****************************



Since na kami na lang ni Janna ang di nakakapagexam, let's go na 'to. Very very basic kung talagang mag-aaral at nagbabasa.




Nauna akong matapos sa kanya. Sumunod naman siya sa akin na mga 1 minute lang ang pagitan. Ganon kami katinik.





Kaya nga, nung nag PTC, proud na proud sa amin si Tita. Kita pa lang ng Top 10, makikita niyang talaga, kung paano namin pinagsumikapan ang ganoon.

Sampaguita's Top 10


1. Alaisa Robles - 95.31
2. Janna Navarro - 94.34
3. Dackies Amalinga - 94.00
4. Ashley Tolentino - 93.89
5. Eloisa Abadilla - 93.22
6. Pennywise Clownirio - 92.95
7. Diana Fortalejo - 92.22
8. Snappy Enduria - 91.10
9. Nicholas Serra - 90.21
10. Coleene Curioso - 90.00




Sino ba namang di matutuwa sa resulta. First 2 ang makikitang pinakamataas na average sa academy. Yes, sa buong academy.




Nagpatu-patuloy ang mga ganitong event hanggang sa humantong na sa pinakamomentous day ng araw ko. Basta, every year naman tuwing pangatlo o pang-apat na buwan, lagi namanh nagaganap iyon eh.




***************************



7 Months Later



(Graduation Instrumental Music Played)



"And now, we are all gathered here to witness the successful fruit that those students bear for about a year in this academy. All the hardworks lead you all to this most successful program. Good morning ladies and gentleman, and now, for about 100 years, I think this could be the most memorable program ever. So this is.... "100th Recognition Day. Students, you may now take the red carpet." Panimula ng emcee sa pagsisimula ng program.




Oo, alam ko namang memorable lahat ng ito, pero mas memorable ito kasi tingnan mo oh, too formal at... may pa red carpet pa.




Same format, processional, message, special number, AWARDING.




Sa awarding, tingin ko mangangalay ang paa ko kababalik. Ang daming nakabanggit sa progam. Pero di ko maman mararating to kung walang mga sumusuporta sa akin. Kaya nga kahit wala na ang mga parents ko, inaalay ko pa rin to sa kanila.




"And for our one and only High Honor, MS. ALAISA ROBLES." Di ko namalayan na tinawag na pala ako. Lumakad na ko sa stage and accept the most successful and worth-it silver medal.




After naman ng program, panay mga maiinit na bati ang naririnig ko. Binati rin ako ng adviser ko.




"Well, congratulations, my apple of the eye student, Ms. Robles. Keep up your piece of cake work. I know you very well." Ngumiti naman ako ss kanya at ibinalik sa kanya ang pasasalamat.




"Ma'am Tina, you're welcome. Pero alam niyo po, di ko naman magagawa lahat ng 'to kung di dahil sa pagtuturo at pagtuturing mo po sa akin, sa amin bi,ang mga anak niyo po. Thank you po, Ma'am." Nakkta ko sa mga mata niya ang sweetness sa sinabi ko. Well, totoo naman eh. Niyakap ko siya at nagpicture-taking.

Pangalawa namang bumati sa akin ay ang nanay ko. Joke lang, ang napakasupportive kong friend, si Janna.

"Wow, congratulations. Pa arbor naman kahit kalahati lang mg bilang ng medal mo. Tingnan mo oh, 50 medals. Ako nga, 15 lang eh." Inakbayan ko siya at cinongrats din siya.

"Congratulations din nanay. Di naman natin to mararating kung di tayo nagpursigi diba." Lumayas na kami ng school. Kumain kami ng shakeys.

Masarap nanaman ang mga tinungga namin.

Chicken + Rice + Mush Potato + Corn + Bread na di ko naman alam ang tawag + PIZZA = YUMMY!!!

Kung nandito lang ang mga parents ko, mas masaya. Iniisip ko na lang na nandiyan lang sila sa tabi, binabantayan ako.

The new flow of my life leads me to the strongest and right way that's why I got these medals. 50 medals. Kaya nga dapat mapanatili ko ang Faith, Fortitude, Love, Loyalty, Courage, Kindness, Patience and Intelligence.

By the way, kumain na lang ako. Summer vacation na, ano kayang magawa?

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

A/N:

Pasensiya na po kung maigsi ang update. Sana po maenjoy niyo, kahit na hindi. Hehe. Umaandar pa rin po ang reads, maraming salamat po sa mga nagbabasa.

#FIITNewFlow

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now