Chapter 23: Imputation

263 67 0
                                    

ALAISA POV



AGAD kaming pumunta sa kinatutunguhan nina Janna at Clyde. Nagulat kaming dalawa ni Nikko, bakit may guards.


"Excuse me po, kaibigan po kami ng dalawa, may problema po ba?" Ang mahinhin kong tanong sa guard. Ganoon pa rin ang mukha ni Janna, naiirita.

"Pasensiya na ma'am e nais lang po namin ipaalam na may di magandang nangyari sa dalawa niyo hong kaibigan, pakisabihan na lang ho na huwag po dito kasi maraming tao. Sige na po , ma'am." Hinawakan ko sa kamay si Janna at umalis muna kami sa lugar na iyon.



"Ano ba kasing nangyari? Janna, Clyde. Bakit may mga guards pa doon kanina? May nangyari bang hindi maganda?" Walang isa ni sumasagot. Si Janna, nakasimangot pa rin.



"Dude! Ikaw na magsabi. Ano bang nangyari kanina?" Ang pagtatanong naman ni Nikko sa dalawa. Ibubuka na sana ni Clyde ang kanyang bibig nang biglang sumingit si Janna.



"A, ano kasi. Itong si Clyde, lilibre sana ako e ayoko naman. Tapos yun, pinilit-pilit niya ko hanggang sa nasampal ko siya. Sorry, CLYDE. Tapos dumating na yung mga guards kaya wala na kaming nagawa kundi tumahimik." Si Clyde naman , magsasalita din kaya nakinig na lang ako.




"Janna, hindi naman ganun yung nan......" pinutol nanaman ni Janna yung salita ni Clyde. Problema ni Janna.




"Ang ibig niyang sabihin, hindi exactly ganoon yung nangyari. Ta......" pinutol ko naman ang salita niya.





"Janna, Janna. Patapusin muna natin si Clyde, paano tayo magkakaintindihan kung di muna natin pinapatapos ang isang tao." Tumahimik naman si Janna at nagsimula nang magsalita si Clyde.




"Actually, Alaisa. May lilinawin lang talaga ako, baligtad talaga, siya yung nagyayaya tapos ako itong ayaw. Sa sobrang pagpupumilit nito ni Janna, nasampal niya ako. Nagkabaligtad lang siya ng sinabi." Pareho naman pala nang sasabihin e bakit pinutol pa ni Janna yung salita ni Clyde noong una.




"Janna, yun naman pala. Ikaw naman kasi, huwag mo kasing pilitin yung tao sa isang bagay na ayaw niya. Sa huli, o sinong naagrabyado, kayo ding dalawa."



"I'm sorry Alaisa, Clyde. I'm really sorry. Naloloka lang talaga ako, pasensiya na."  Itinigil nanamin ang dramang ito.


"O siya, siya. Mabuti pa umuwi na tayo. Janna?!!" Tapos lumingon siya sa akin.


"Yes?" Ang tugon niya. Napansin kong nangangatog at kinakabahan siya. Para bang kapag seryoso akong tinatawag ang pangalan niya, kinakain siya ng takot.


"Let's talk later." Nanatili pa ring walang ekspresyon ang mukha niya.


"YES SURE. MAMAYA." Naging biglaang saya naman ang hitsura. Kaya ako nagtataka dahil sa mga kinikilos niya. Nagsimula iyan noong nagbalik si Clyde.

*****************


NASA BAHAY na rin kami, yung 2 boys, nagkanya-kanya na ng direksyon.



Dumiretso ng dumiretso si Janna sa kanyang kuwarto nang di man lang ako kinakausap. What on earth is happening to her? Such a nightmare.



Umakyat na ko sa kuwarto niya. Nakasarado ang pinto at nakalock pero naririnig ko ang boses niya.




"Janna? Ano bang nangyayari sayo. Diba sabi ko sayo huwag masyadong mainipin. Mas lalong mahahalata tayo niyan. Ang ending, maging bagsak yung pagkaalam nila ng......" pero nakatabing ako ng vase pero hindi ito nabasag. "Sino yan? Alaisa? Alaisa? Ikaw ba yan." Inayos ko ulit ang vase.


Forever: Is It True?Where stories live. Discover now