ZACH POV
FIRST DAY pa lang ng pasukan, alam kong goal ko na ang manguna. Pero ngayon, dalawa na ito.
Ang manguna sa klase at ang manguna sa puso ng isang dalaga, si Alaisa. Lahat ng mga kakulitang ginagawa ko sa kanya ay dahil sa pag-ibig.
Kahit na corny na ako, hindi niya man ako kaibigan, nabubuwisit man siya sa akin, gusto ko siya. Laking-gulat ko na nga lang ng malaman kong tie kami, mas lalo ko siyang nagustuhan, mas machachallenge ako ngayon sa kanya.
Kasalukuyan kong binabati si Alaisa sa pagkauna niya sa klase.
"Uy a, ang galing natin. Good Job." Nag appear na man kami dahil doon.
"Alaisa, yung kahapon, talaga bang hindi ka naniniwala?" Bigla namang nagtama ang mga mata namin.
ALAISA POV
"YUNG kahapon, no. Kahit anong gawin mo, hindi ako mahuhulog sa'yo. Pero dahil napapasaya mo naman ako.........." Nakita ko sa mukha niya ang pananabik. Parang ang hinuha niya sa sagot ko ay may relasyon sa sinabi niya tungkol sa nararamdaman niya sa akin.
"Alaisa, ano yun? Puwede nang maging TAYO?" Yun kaagad, grabe siya mag-isip.
"Dahil napapasaya mo ako, puwede kitang maging KAIBIGAN." Nangalumya naman ng lubos ang mukha niya matapos kong wikain ang mga sinambit ko. Kala niya ah, magdusa siya. Sarado na ako, kaya huwag siyang aasa.
"Bakit? Ayaw mo bang maging magkaibigan tayo, ayaw mo nun, para lagi na tayong magkasama, tayong tatlo." Ngumiti naman ito sa kanyang labi pero nakikita ko pa rin sa likod ang pagkalungkot.
"Of course, I want to be your friend." Nakipagkamay siya sa akin bilang pagtanggap niya sa alok ko na maging magkaibigan kami.
"So, pa'no ba yan. Goodbye na, congratulations din. Good luck sa next grading."
"Teka lang Alaisa." Ano nanamang gusto niya? Humarap ako sa kanyang nakangiti.
"Why? Meron pa bang problema?"
"Wala, wala. Goodbye na din, and congrats." Pinagpatuloy ko na uli ang mga hakbang ko.
Totoo namang gusto ko siyang maging kaibigan, hindi para gamitin siya dahil matalino siya kundi para pasayahin ako, alam kong magkakasundo kami sa mga bagay-bagay.
"Alaisa, nakita kita kanina, so friend mo na pala ang matalinong mapride na lalaking kinaiinisan mo?"
"You're right. Ikaw talaga, kahit anong eksena basta sa akin di mo pinapalagpas." Tumawa na lang ito sa akin at pinalo ako sa balikat. Sumimangot na lang ako at naglakad na sa daan, patungong labas ng room, patungo ng sasakyan at patungo ng bahay.
ZACH POV
HINDI pa rin ako nasisiyahan ngayon dahil akala ko, naniniwala na siya sa akin at ganoon din ang nararamdaman niya sa akin.
"Sir, ito na po yung juice niyo." Tawag sa akin ni Yaya Hydee.
"Sige po, pakilapag na lang diyan, thank you po." At umalis na nga siya. Apple juice ang ipunatimpla ko kay yaya dahil paborito ko ito.
Sa kabilang banda, iniisip ko pa rin kung ano ang magiging hakbang ko para mapaibig si Alaisa. I love her and I will do everything na makakaya ko to break the walls on her heart and soften it. Hindi lahat dahil napakaexaggerated naman kung ganoon.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...
