(A/N: Please do play Sandaang Hambambuhay by Yassi Pressman, the theme song of the two lovers!!! This is it!)
ALAISA POV
"YSA, tama ang mommy mo! Hindi mo na kailangang umiyak dahil may katapusan din naman 'yan!" Kahit anong pilit nila sa akin, parang wala na din kung hindi ko man din lang makikita si Nikko ng matagal na panahon.
Pero nang medyo nagising ang diwa ko, nakapagsalita ako pero hindi tungkol sa sinabi nila kundi tungkol kay Nikko pa din.
"Mahal ko si Nikko! Mahal ko siya! Ayoko siyang umalis! Ayoko siyang umalis! Nasaan na siya?" Paulit-ulit kong tanong kasabay ng muling pagtulo ng mga lintik kong mga luha.
"Tama ba ang narinig ko? You love me?" Biglang nagising ang diwa ko sa mga salitang narinig ko.
Tinig iyon ng isang lalaki kaya agad na nakuha ang atensiyon ko.
"Nikko!" Tangi kong nabanggit. Hindi malabong siya ang narinig ko kaya tumayo ako para makita ko kung sino 'yon.
Then, when I saw him, I was shocked in happines when I knew it was really HIM.
"May I hear that again from you?" Aniya na parang nanghihikayat pa na lumapit sa akin.
Hanggang sa napatakbo na lamang ako at nayakap siya ng mahigpit.
"Paasa ka na....man palagi eh! Ka...la ko iniwan mo nana....man ako! But, the important is you're here! Kasi hindi ko pa kasi nasasabi sa'yo that until now, I still love...you." Mangiyak-ngiyak na matamis kong sabi.
Tapos nagpumiglas na din ako sa pagkakayakap sa kanya at inilagay iyon sa mga kamay niya at pinisil-pisil iyon.
"Wait, what did you say? I'm sorry, hindi ako nakapaglinis ng tainga eh! Kaya blird ang tainga ko now. Puwede bang pakilakasan?"
"Nikko naman eh! Alam ko na 'yang mga ganyan mo! Narinig mo na diba? Lapit-lapit na nga ng bunganga ko sa tenga mo di mo pa din narinig?"
"But, for the last time promise, puwede ko ba ulit marinig yung sinabi mo?" Hindi talaga papaawat 'tong isang ito. Talo na me, kaya inulit ko na lang.
"O sige na nga, eto na! Nikko, I love you, I love you, I love you, I love you! Oh ayan na, inulit ko na." Sabi ko pero parang hindi pa din siya nakuntento sa sinabi ko dahil may pagka-asim pa din ang mukha niya.
"Palitan natin yung pagtawag mo sa'kin. Puwede bang, "My forever, I love you!" Ang kulit-kulit naman talaga oh pero pinagbigyan ko na din yung hiling niya.
"Ok! My forever, I love you!"
"I love you more, my forever! Thank you for giving me a chance to be part of your heart again!" Tapos muli ko siyang niyakap ng mahigpit pero mabilisan lang.
Matapos no'n ay lumapit sa amin si mommy kasama ang mga kaibigan ko.
"Oh ayan, okay na anak! Okay na kayong dalawa. Nagka-aminan na! Pero sana, hindi pa rin mapabayaan ang mga career sa buhay ah?" Ani mommy.
"Oo naman po mommy! Di ko pa rin po papabayaan ang pag-aaral ko dahil po may mga gusto pa po akong gawin sa buhay." Sagot ko.
"At hindi ko rin po papabayaan ma'am ang restaurant kahit po kami na." Lakas maka-kami! Pero napangiti na lamang ako, hindi ko lang alam kay mommy.

YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...