NIKKO POV
I CAN'T BELIEVE na nagkita kami kanina, coincidentally. Hindi ko rin alam na sa tahanan ng may-ari ng pinakasikat na restaurant sa Pilipinas ko makikita ang babaeng gusto kong hingan ng tawad.
Pero sa mga ginawa kong iyon, napakalabo ng mangyari lahat ng gusto kong mangyari. Sinaksak ko siya noon, ako naman ang sinaksak ngayon. Napakaistupido ko sa mga ginawa ko.
I shouldn't do those stupid things to her. Ngayon, ako naman ang pinagkakaguluhan ng tanong.
Wala pa ding nagsasalita ni gumagalaw sa amin dito sa labas.
"Bakit ang tahimik niyong dalawa. Nicolas? Alaisa? Diba dapat masaya kayo na nagkakilala na kayo. Mabuti pa, sumunod na kayo sa loob at kakain na tayong lahat." Parang wala lang kaming narinig sa sinabi ni Ma'am. Nauna na siya sa amin sa loob. Ibinaling namin ang paningin sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ano ng susunod kong sasambitin.
"Aalis na lang ako kung yun ang gusto mo." Sabi ko sa hangin patungo kay Alaisa.
"O, ba't ayaw mo pang gawin. Malaya kang gawin ang gusto mo. Hindi mo na kailangang ipagpaalam. Go if you want, the gate is widely open for you." Inaamin ko na nasaktan ako sa sinabi niya. Talagang wala na talaga siyang pakialam sa'kin, kahit ano pang mangyari. Akala ko pipigilan niya ko pero tanga nang mag-expect, dahil hindi naman nangyari. "Bat nakatunganga ka pa diyan? Go!! Ikilos mo na yang mga paa mo. Diba ganyan din ginawa mo sa'kin? Lumayas ka na." Pinagtutulakan niya ko ng kamay niya, unti-unti din naman akong napapalabas.
"Ok, ok you won. I'll leave as you wish." Aalis na sana ako pero dumating si Ma'am at tinawag ang mga pangalan namin.
"Alaisa! Nicolas! Pumasok na kayo, halina dito!" Sinamaan lang ako ng tingin ni Alaisa at inis na humakbang paloob. Hindi niya na lang ipinahalata sa mommy niya. "Nicolas, pasok na." Ganoon na din ang ginawa ko. Nadatnan ko si Alaisa na nakaupo sa dulo, at ito pa ang malala. Lahat ng mga upuan ay okupado na, tanging sa tabi na lang ni Alaisa puwedeng umupo.
Patay! Ayoko na talaga.
"Nicolas, umupo ka na dito. Sa may tabi ng anak ko, upo ka. Para salo-salo na tayong kumain." Nakakapanghinayang at nakakahiya man, umupo na ako sa tabi niya.
"Okay, so before we eat. Let's pray. Alaisa, please lead." Nong una, nagulat si Alaisa pero nagdasal na din siya. Hawak-kamay ang pagdarasal namin. Medyo nailang kami sa isa't-isa pero hinawakan niya na lang ito.
"Panginoon, maraming-maraming salamat po na sinalubong namin ang bagong taon ng masaya. Sana po sa panibagong taon ito, ay malinis na din ang mga dumi sa mga pangyayari sa buhay namin. Salamat po sa pagkain na inihain niyo po sa amin, nawa'y ang mga ito'y magamit namin sa aming mga importanteng mga gawain. Panginoon, ito po ang aming samo't dalangin sa matamis na pangalan ng Iyong Anak na si Hesus, sabay-sabay po tayong magsabi ng...AMEN." Bilis niyang binitawan ang mga kamay ko, at pinagpag niya ito.
"Okay, so let's eat now." Sabay-sabay na ngang kumain ang lahat. Abutan kung abutan. Lahat tumatawa, nagkukuwentuhan at nagkakabiruan. Si Alaisa, natawa din naman kung siya ang pinag-uusapan. Ako lang talaga ang naiiba sa kanila.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomantikA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...
