ALAISA POV
BANGON-BANGON NA dahil kailangan na kailangan.
What a Friday! Di pa din mawala sa isip ko ang mga nangyari two weeks before.
Sa mabuti, nagkabati na kami dahil sa ginawa niyang tama.
Sa masama naman, hindi talaga ako pinapansin ni mommy sa kaarawan ko. Kapag sinasabi ko, pinuputol niya naman at nagdadahilan, pagod, may ginagawa, minsan pa nga sumisigaw na.
Ibinangon ko na ang sarili ko at tiningnan ang aking repleksiyon sa salamin.
"Ano kayang puwedeng magawa? Parang wala namang balak mamaya, huwag na lang. Lalabas na lang kami ng kaibigan ko? Ang boring naman, walang kasamang pamilya. Bakit naman hindi na nila naalala? Hindi sapat ang dahilan na pagod lang siya. Bahala na nga, makapagbihis na nga!" Usap ko sa sarili ko. Bumuntong-hininga muna ako bago umalis sa repleksiyon ko sa salamin.
Inayos kong mag-isa ang pinahigaan ako at unalis na ng silid.
Pagbaba ko naman, laking-gulat ko na may mga nakahaing mga pagkain sa hapag. Marami, pangsosyalan kaya naman sinabi ko sa sarili ko...
"Mukhang ito na nga yun." Masaya akong bumaba ng hagdan at nakita si mommy na inilalapag ang ibang mga pagkain sa hapag, kasama ang tatlong masisipag naming maids.
Lumapit ako kay mommy at mas lalo akong nanabik dahil grabe ang ngiti niya sa akin.
"Anak!"
"Yes mommy?" Inayos ko ang buhok ko.
"Good morning anak! Guess what? Ang laking ganap ngayon." Punong-puno na ng mga tamang hinala ang isip ko, mukhang sa kaarawan ko na nga ito.
"Let me perfectly guess, all those foods are made for me, because it's my----." Bigla itong pinutol ni mommy.
"No, it's not that. We are celebrating the 5th Month of our restaurant, kaya naman special ang araw na'to. Mamayang 9, dadating na din yung mga organizational staffs ng restaurant, para i-celebrate yung sinabi ko sa'yo kanina. I know it sounds weird, kasi umaga, dapat laging dinner ang mga gantong okasyon pero may importante din kasi akong gagawin mamaya kaya ngayon ko na lang inihanda." Seems like the world shifts down to me, again. I just grit my teeth and nod my head. I am acting so weird again and again.
Sa kabilang banda, gumawa na lamang ako ng eksena para makaalis na dito. Ewan ko ba! Ang sakit lang isipin. Kapag sinasabi ko naman, pinuputol.
"Mommy! Aakyat na po ako, maliligo na po ako. Maaga pa po ako sa school." Pasimpleng pekeng ngiti pagkatapos kong sabihin iyon.
"Ok, go ahead! Baka malate ka pa."
"Opo mommy. And, congrats po sa restaurant natin." Lumayas na din ako at umakyat pataas.
Hindi naman talaga ako pupunta kaagad ng kubeta, sa kuwarto ako didiretso, para magsentimyento nanaman.
Mukha nanaman akong nalugi. Bakit pa kasi hindi maalala? Mukhang kailangan ko na yatang pumunta kay Ma'am Charo ng Maalaala mo Kaya para matapos na'to.

YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...