ALAISA POV
WHAT? I can't believe it, bakasyon na? Ang dami-dami kong bucketlist ngayong summer. Pero ano kayang uunahin ko. Napagisip-isip ko na rin, mahigit 7 buwan na rin kaming hiwalay ni Andy.
Teka, bat ko pa nga ba naiisip ang gago? Ang dahilan kung bakit nagkadaleche leche ang buhay ko. Ang dahilan kung bakit muntik na kong mamatay. Ang balita ko raw eh nagbabago bago na raw sa kulungan. Kung minsan kasi, nakakasalubong ko ang tatay niya, patuloy na humihingi ng patawad sa ginawa ng kanyang anak. Isa pa, magaling na siya.
Ang hiling ko lang sa kanya, sana ang paggaling ng tatay niya ang magsilbing inspirasyon niya sa pagbabago niya.
Anyway, nagbalik ako sa realidad ng kinalabit ako ni Janna sa kama.
"Alaisa, guess what? Bumangon ka na diyan. Ang lalim nanaman ng iniisip mo." Nagulat naman ako sa kanya. Lumingon na ko sa kanya at umunat-unat muna sa pagkatulog.
"Ah, okay lang. Oh? Anong meron, bihis na bihis ka, para ka namang mag a-outing." Tumayo siya sa akin at pumeywang sa akin.
"Isn't it obvious, may outing tayo together with my parents. Kaya nga, bilis na. Tayo na diyan." Hala! Outing? Bat di ko alam.
"Totoo ba yan. Diyos ko naman di mo agad sinabi sa akin, eto na nga oh magliligpit na ko. No ba yan? Kahit kailan talaga eh. Mmmm. Gigil mo si acuuh." Tumawa na lang siya sa akin ng nakakalait na hindi ko na pinansin. Nagmadali tuloy ako. Naligo agad ako.
Sinuot ko ang favorite kong summer outfit, feel like a Hawaiian Girl. May pa shade pa. Nasa kaloob-looban nito ang bikini ko na mamaya pa makikita ng lahat. My God, this is it.
Dumating na ang kotse nina tita. Tilian naman kami at nagtalunan. Sumakay na kami na feeling hot sa kotse ka. Yes naman.
Saang resort? Sa totoo lang, di ko rin alam, hindi na ako nagtanong pa. Paglabas pa lang namin ng kotse, nang-iinit na ang mga paningin sa amin, lalong-lalo na yung mga lalaki na piling mo K-gagwapo. Yuckkk!!!!
"Janna, let's go." Hawak kamay kaming naglakad na may patalon-talon pa, nakangiti rin kami.
Nagpunta na kami sa cottage namin. Diba, feel na feel namin ang presence ng summer. Kumain muna kami para naman diba, di kami mabigla kapag lumusong na kami sa tubig.
"Um, tita. Marami naman pong mga magagandang beaches sa iba, bakit po napalayo pa po tayo?"
"Alam mo kasi Alaisa, isang officer ako dito ng isang organization na kung saan kami rin ang bumubuo nito. Mapalad tayo kasi libre lang ang lahat." Isang makulay na ngiti naman ang namuo sa aking labi.
"Talaga po tita, kaya po pala. Edi anytime puwede po tayong bumisita dito?"
"Yes naman. O, tapusin niyo na yang pagkain niyo. Ikaw naman dy, bantayan na lang muna natin ang mga food."
"Okay, as you wish. Kayong dalawa, baka naman malunod pa kayo ah, kalalaki niyo na. Just be careful, daughter. Also for you, Alaisa." Natapos na rin kaming kumain, nagpatunaw for about 5 minutes.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomantikA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...
