ALAISA POV
HINDI ko pa rin lubusang maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagtrato sa akin ni tita. Dahil baka magkaroon pa ng gulo, inisip ko na lang kung umalis na lang kaya ako, baka kasi magkaroon pa ng gulo. Pinakausapan ko na lang si Janna.
"Janna, huwag ka nang magtanong. Siguro nag-aalala lang si tita sa'yo. Aalis na lang ako. Tita, alis na po ako." Nanatili pa rin si tita sa kanyang emosyon sa akin na galit. Siguro nga wala na talaga.
"Mabuti pa nga. Janna, pasok na dito sa loob." Wala na din siyang ibang ginawa kundi ang pumasok sa loob pero nginitian naman ako nito bago niya gawin iyon. Aalis na sana ako pero bigla akong iniharap ni tita sa kanya.
"Hoy, saan ka pupunta? Humarap ka sa akin. Mag-usap tayo." Nacucurious lang ako . Aalis na nga ako, pero bakit parang gusto niya pa ng sumbatan.
"Bakit po tita? May kailangan pa po ba kayo? Aalis na po ako." Nabigla na lang ako nang bigla itong lumapit sa akin at idinapo ang kanyang palad ng malakas sa pisngi ko.
"Yan, yan ang kailangan ko sa'yo." Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung iiyak nanaman o makakaramdam ng galit dahil sa ginawa ni tita. Pero para saan pa ang galit ko? Lagi namang lumalabas na ako ang mas may sala, kahit magwala pa ako at magsentimyento sa kalsada, alam kong walang tutulong sa akin sa mga hinaing ko.
"Tita, bakit niyo po ginawa yun? May nasabi po ba akong masama? Aalis na nga po ako diba, bakit niyo pa po ginawa yun sa'kin?" Matatalas pa rin ang mata niya sa akin pero sa kabila ng katalasan nang mga mata ni tita, nakita ko ang isang mabilis na patak ng luha mula sa mga mata niya.
"Una, huwag mo kong matawag-tawag na tita dahil first and foremost, hindi kita kamag-anak. Pangalawa, huwag kang umastang parang isang inosente na hindi alam kung bakit ginagawa ng isang tao yan sa'yo. Huli, oo, wala kang nasabing masama pero may nagawa ka namang masama. Alam mo ba kung ano yun? Kung di dahil ba naman diyan sa kaistupidahan mo, hindi ko gagawin sa'yo yan. Naisip ko lang Alaisa, na kapag lagi kayong magkasama nang anak ko, lagi siyang napapahamak. Di mo ba nararamdaman Alaisa, lahat ng mga sakripisyong agaw-buhay na ginagawa ng anak ko sa'yo, lahat ng mga yun na yung iba, muntik pa siyang mamatay. Sabi mo noong una, hindi mo na uulitin pero inulit mo pa rin. At habang paulit-ulit mong ginagawa, paulit-ulit ding napapahamak ang anak ko. Alaisa, sagad na, sagad na hanggang dulo. Di ko na kaya pang saluhin ni bitbitin lahat ng mga nangyayaring hindi maganda sa anak ko. Siguro nga mas mabuti nang nangyari sa'yo yan. Magsama na kayo ng mga magulang mo." Tumulo nanaman ang mga luha ko sa mga sinabi niya, hindi dahil tungkol sa pagsasalita niya ng masakit tungkol sa akin, kundi sa mga bagay na sinabi niyang gusto niya na akong mamatay.

YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...