ALAISA POV
HANGGANG ngayon, nachachallenge pa din ako sa kanya. Mukha ngang dito ko mas paigtingin ang pagiging competitive ko.
"Ikaw naman, Alaisa. Baka naman wala ka ng maging time sa kin niyan ah, huwag mong pagtuunan ng pansin kung paano mo mabebeat ang isang Zach Agustin, kaya mo naman yan, huwag kang matakot." Unang-una, di naman talaga ako natatakot na mabeat ako ng Zach na yon. Pangalawa, hindi ko masyadong pagtutuunan ng pansin ang mga ganoong bagay. Alam ko sa sarili ko na matalino ako. Pangatlo, hindi ako mawawalan ng oras sa kaibigan ko.
"Huwag ka ngang OA, alam mo namang hindi ako ganoong tao. In fact, alam ko namang matalino ako. No need to remind at kayang-kaya ko namang ibeat ang isang Zach Agustin." Nakita kong nagalit siya. Hindi niya suguro nagustuhan ang mga sinabi ko.
"I'm sorry nabigla ako. Di na mauulit. Bes, wag ka nang magalit. Promise, hindi ko na gagawin." Lumingon naman siya sa akin at ngumiti.
"Basta next time, huwag na huwag na huwag mo nang gagawin iyan. Kahit matalino at nangunguna ko, huwag ka pa ring maging mapagmataas at huwag mong tapakan ang mga nasa baba."
"I promise bes, I take that as a complement. Tara, mag 7/11." Dahil sa malapit lang naman dito ang sinabi ko, pumunta na kami.
Binili ni Janna ang isang Fish'da na tsitsirya at isang slurpee na blueberry. Sa akin naman, isang Patata na malaki at isang delight.
"Alaisa, okay ka na ba."
"Yes, punta na tayo sa counter." At iyon nga ang ginawa namin.
"Yung sayo, Alaisa, akin na para isahan na lang. Tsaka yung bayad mo." Ibinigay ko sa kanya ang mga pinili ko. Tsaka kinuha ang pitaka ng nasa bulsa ko. Hanggang sa malaman ko na ang kinakapa ko ay wala.
"Ah, Janna. Diyan ka muna, hahanapin ko lang yung pitaka ko."
"Ayan. San mo ba kasi nilagay? Burara ka talaga kahit kailan."
"Tumahimik ka. Maghintay ka na lang diyan."
"Sana mahanap mo pa." Nakakapanggigil yun ah. Imbes na suportahan na lang ako, nanglait pa. Inikot ko na nga ang mga dinaanan ko.
Habang naglilibot, nakita ko ang pitaka kong blue na stitch na nasa sahig malapit sa refrigerator na pinaglalagyan ng mga drinks.
Kukuhanin ko na sana ito nang may biglang kamay naman ang nag-abalang kumuha nito.
"Sa'yo ba to. Ms. Robles." Si Zach, bad timing nanaman. Nakakabuwisit lang. Kaibigan mong di ka sinuportahan, nakita pa ang taong ayaw na makita. Is this life?
"Yes, akin na." Kakaripas na sana ako ng takbo nang bigla niya nanaman akong tinawag.
"Alaisa."
"Oh!!!!"
"Di ka man lang ba magpapasalamat na pinulot ko ang pitakang iyan sa'yo?"
"What? Pakilakasan mama mo, hindi ko kasi masyadong marinig. Nabingi ako dun ah. For your information, Mr. AGUSTIN, di naman ganoon kalaki yung ginawa mo. In fact, ako ang unang nakakita sa pitakang iyan, umepal ka lang." Lumakad na uli ako.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...