ALAISA POV
PAGBUKAS AT PAGBUKAS ng pinto, nadama ko ang hindi mapapantayang kasiyahan.
Nakikita ko ba talaga 'to? Ilang beses akong kumurap, baka kasi panaginip lang pero hindi, ito talaga ang nakikita ko.
Pagkapasok ko naman ng pinto, lumakad ako ng kaunti at kumanan ako. Nakita ko ang pasilyo na diretso. Sa gilid nito ay mga tubig, parang pool kung baga. May mga lobo pang nakalutang na ang sarap-sarap tingnan. May mga lightning pa sa gilid na nagdagdag ng kulay sa nakita ko.

Water na water ang theme.
"Anong meron? Bakit ganto?" Ganyan na lamang ang napapasabi ko sa sarili ko. Para saan ba ang mga ito?
Bakit ako dinala dito? Para sa akin ba ito? Habang hindi ako nagsasawang tingnan ang mga nakikita ko, mayroon namang sumalubong sa akin.
Isang lalaki, nakatuxedo na damit, pormal na pormal ang suot niya. Doon siya sumuot sa kanan na bahagi, papalapit sa akin.
Nang maaninag ko na siya ng malinaw, mukhang nabawi ang kasiyahan ko dahil si Nikko ang nakita ko.
Ngumiti ito sa akin. "Hi Alaisa!" Napatitig na lang ako sa kanya. Inaamin ko na napakaguwapo niya ngayon. Nang ngumiti siya sa akin, biglang bumilis yung heartbeat ko, na kulang na lang, lumabas na sa bibig ko yung tibok.
Hindi ko alam! Hindi ko siya mapagsalitaan ng masakit ngayon. Sa isang sulyap, maisasantabi mo talaga ang galit.
"What are you doing here? And, what's this?" Ang tangi kong nasabi sa kanya sa dami ng mga salitang gusto kong sabihin sa kanya.
"You'll see! But now, may I have the pleasure?" He lend his elbow and widened it at me. Hinihintay niya din yung siko ko na isuot doon sa butas na ginawa niya.
"Ano gusto mong gawin ko diyan? Ano ba? Tumigil ka nga, bakit ka ba nakaganyan?" Irita kong tanong sa kanya, pero kahit naiirita ako sa mga tanong ko, hindi ko maiwasang maisip na bawiin ang emosyon kong nailalabas. Parang gusto ko na rin yung mga ginagawa niya.
Para bang ngayon, nawala ang galit sa kanya.
"I will be your escort for tonight. That's why I'm here." Nakangiti niyang sagot. Hindi ko alam kung bakit siya nakangiti, na hindi niya naman talaga dapat na emosyon. Dapat nga, may pagkalungkot na nalulumbay.
Pero matagal bago ako makasagot.
"Escort? Are you kidding? Kahit kailan, hindi ko ginustong magka-escort."
"But your mother told me to do so."
"Bat hindi ka umatras? Alam mo naman kung gaano kalaki ang galit ko sa'yo. Ang ganda-ganda nga ng nakikita ko, pumangit naman, dumating ka lang." Pagsisinungaling kong sabi para may maidepensa lang. Ang totoo, ayaw ko na talagang umalis siya sa tabi ko.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...
