Chapter 25: Ambition Or Love?

224 66 0
                                    

NIKKO POV



KAILANGAN ko talagang pag-isipan ang bagay na ito. Ang matagal ko ng pinangarap ay nasa tabi ko lang, naghihintay na piliin iyon pero sa kabila naman ay ang dahilan ng aking paglimot at pagbangon.


Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos sa produkto. Tinawag ko na ang waiter at sinabing ihain na ito sa mga customer.


Mga ilang oras, nag-off na rin ako. Umuwi sa malungkot kong bahay.



Humiga ako sa kama at napahawak sa ulo ko. Hindi ko na nga talaga alam ang gagawin. Mga ilang minuto ng pag-iisip ko, narinig kong tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sinong tumatawag.


Calling: HoneyBunnyAlaisaKo 💖💖


"Hello." Masayang panimula ni Alaisa.

"Yes, honeybunny, may maipaglilingkod ba?"


"Eto naman, wala po tayo sa palasyo. Hindi po ito Royal Scenario. By the way, I just want to inform to you that everything is alright now. Ayos na sila Janna at Clyde. Nakapag-usap na sila, pati ng mga parents niya. You're right, understanding lang talaga ang kailangan. Thank you doon."


"Really? Okay na sila? Mabuti naman na nangyari na iyon." Ang mahina kong salita na agad nakapagtaka kay Alaisa. Matalino nga ito, alam kaagad.


"Bakit ang hina mong magsalita, may sakit ka po ba? May nangyari ba sa'yo? Gusto mong puntahan kita diyan sa bahay?"


"Huwag na, Alaisa. Napagod lang ako galing trabaho."


"Ah. Okay. Sure ka, ok ka lang diyan. Itulog mo na lang yan honeybunny, baba ko na yung phone, tinatawag ako ni Janna. Love you."


"Love you too." Ang pagtatapos ng aming tawag. Itinulog ko na ang pag-iisip ko. Bago ko pa man ipikit ang dalawa kong mata, may tanong pa ring bumulong sa akin.


"Anong pipiliin mo?"

ALAISA POV

NILAPITAN ko na nga si Janna nang tinawag niya ako.


"What is it? Janna?" tapos ngumiti siya ng nakakapanglait.


"Wala lang. Joke lang, actually. Ngayong masaya na si ako, okay na ang lahat. Bukas, gala tayo."

"Wow, bago sa iyo yon ah, kung dati nga, ako ang laging nagyayaya. Di bale, bakit pa nga ba ako magtataka e wala na nga tayong problemang iniintindi. Back to normal ulit ang lahat."

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now