ALAISA POV
HINDI ko alam kung anong iisipin ko sa mga nakikita ko kahit na di naman talaga ako nag-iisip.
Bakit ganto ang resulta? Saan ba ako nagkulang? Bakit bumaba ako? Ang mga tanong na patuloy na gumugulo sa makulit kong isipan.
"Well, parents. Let us congratulate the achievers for this grading. My Top 5, please be prepared cause I'll be calling your name one by one, go here in front and accept your worth-it certificate." Iyon na nga ang ginawa naming lahat. Kung noong nakaraan, ako ang nasa unahan, ngayon nasa likod na ako ng mga MAS nauna sa akin.
Nakakapanghinayang lang! Malugod ko namang tinanggap ang sinasabi ng aming guro na sulit na sertipiko na para sa akin ay hindi para sa markahang ito. Ngumiti ako ng matipid sa guro ko at sa mga magulang, kasama ko sa harapan ang nanay ni Janna.
"Congrats, Alaisa."
"Thank you po." Pagtugon ko sa kanya.
Pero siyempre, alam kong mas proud siya sa kanyang kaisa-isang anak. Abay nataasan pa ako ng loko at ito ang first time ni Janna na manguna.
"Congrats, anak. Proud na proud si mommy sa'yo. Galing mo."
"Unexpected naman po ito eh pero thank you po mommy." Lumingon naman ito sa akin at itinaas ko na lang ang thumb ko para sabihin sa kanyang ang galing-galing niya, very good siya.
Tinawag naman si Zach bilang nangunguna din naman siya sa klase. Siyempre, bilang girlfriend niya, sinuportahan ko siya, pinalakpakan ko siya na may halong sigaw ng pagbati. Tinawag ang dalawa sa unahan sapagkat sila ang nakakuha ng mataas na karangalan. Abot-langit ang ngiti ni Janna, gayundin si Zach. Hindi papahuli 'tong kaibigan ko. Alam ko namang wala siyang pakialam kung manguna pa siya o what so ever. Ang tanging gusto niya lang ay ang makapagtapos at balang araw, makapaglingkod sa kanyang mga magulang.
Pero ngayong tinawag siya sa unahan bilang pinakauna, naramdaman kong ibang saya ang namuo sa kanya. Yung kasiyahan na kahit kalian, hindi niya pa nailalabas kumpara sa ibang mga kasiyahan na karaniwan niyang nailalabas.
Pagkatapos naman ng PTC, siyempre, di mawawala sa pagkakaibigan ang magbatian.
"Congrats sa inyo. Janna, congrats. Lalong lalo na sa pinakamamahal kong Luv, congratulations." Todo-ngiti naman ang dalawa samantalang ako, kabaligtaran ng ekspresyon nila.
"Walang anuman. Pare-pareho lang naman tayo dito. Congrats uli sa atin especially again sa'yo, Luv." Para di mahalatang malungkot ako, sinambit ko na na ang mga wikang iyan. Niyakap naman ako ni Zach at siyempre, kinilig naman ako.
"Alaisa, Zach. Singit muna ako ah, tinawagan ko kasi si Clyde. Ang sabi niya, first din daw siya sa school nila. O, diba ang saya. Panay achievers ang tropa."
"Ano daw average niya?" Tanong ko naman.
"95. High Honor nga rin siya eh kaya proud na proud ako sa kanya."
"Sa kanya lang?"
"Siyempre, sa ating lahat." Bigla nanamang lumungkot ang pagmumukha ko. Nakoconfused talaga ako. Ako itong palaban pero ngayon bumaba. Mukhang napansin nila Janna ito sapagkat kinonsulta nila ako.
"Bes, nangyari sa'yo. Hindi ko naman makita sa'yo ang kasiyahan." Talagang hindi, nakakaout of place mga average nila. Para tuloy akong binagsakan ng apat na elemento ng mundo. Apoy, Hangin, Tubig, Lupa, bagsak sa akin lahat.
"Ako, hindi ma..masaya. Siyempre masaya ako. I'm not feeling well lang talaga. Pero, congrats sa inyo, sa atin. Keep up our piece of cake work."
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomansaA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...
