NIKKO POV
MAKAKAALIS NA nga sana ako dito sa condominium building kung hindi lang ulit bumisita yung pinsan ko.
Kinamusta lang niya naman ako. Ngayon, magpapaalam na din siya dahil may importante pa siyang kailangang gawin.
"So, pa'no ba 'yan cousin. 'Till next time ulit ah? Bye!" Sabi niya sabay kaway sa kamay niya.
"Bye din cousin. Ingat ka!" Bati ko pabalik. Umalis din siya pagkatapos. Tapos lumabas na ko ng condo para tingnan kung nandito na sila. May importante pa kong ginawa kani-kanina sa restaurant kaya sinabi kong daanan na lang nila ako dito.
Pero nang pagkalabas, wala pa kong naaaninag na kotse nila. Pero mga ilang minuto lamang, dumating na din ang kotse nila.
Nang nagsilabasan silang lahat, napansin kong wala si Alaisa. Dali-dali akong pumunta sa kanila at nagtanong.
"Guys! Where's Alaisa?" Tanong ko kahit na hindi nila tinatanong.
"Inuwi muna namin sa bahay, masama daw ang pakiramdam. Actually, nandito na siya kanina, yun nga lang, bigla daw sumama yung pakiramdam niya. Tayo na lang daw muna ngayon." Pagpapaliwanag ni Janna. Agad namang lumungkot ang mukha ko sa mga narinig ko.
Pero sana huwag manukal ang mga likido na ayaw kong lumabas sa mga mata ko.
"Ganoon ba? How is she?" Muli kong tanong. I'm just concerned about her. Baka mamaya, wala palang tao sa kanila. Sino na lang mag-aalaga sa kanya.
"Yun! Hindi pa niya naman sinasabi kung okay na siya o hindi. Basta, binaba namin siya sa gate nila. Tapos umalis na din kami." Hindi pa din ako mapanatag sa mga nailahad nila. Hindi ko alam kung anong lagay niya ngayon.
"May kasama ba siya doon sa bahay? Baka kailangan niya nang mag-aalaga. Nandoon ba si Ma'am? Si Nanay Lory! Yung mga ya-----"
"Nikko! Kalma! Kalma! Nandoon si Nanay Lory kaya for sure, aalagaan n din niya yon si Alaisa. Kaya sundin na lamang natin ang kaibigan natin, mali pala, kaibigan namin kasi alam naman naming mahal mo yung tao. Tuloy pa din ang bonding natin. Huwag kang mag-alala, babawi din yung isang 'yon. Baka kailangan niya lang talaga ng pahinga." Sa mga sinabing iyon ni Janna, unti-unti akong kumalma at nawala ang pagiging matanong at masobra.
"I hope na gumaling siya as soon as possible." Aniya ko sa kanila.
"Gagaling 'yon, malakas yon at palaban. Kaya, no worries muna ngayon hah? So, di pa ba tayo aalis?" Pampahikayat at pagyayayang sabi ni Myrna.
"Ok. Let's go!" Tugon ko.
Sana nga lang maging mabuti lang siya.
ALAISA POV
BUWISIT! Talagang hindi papaawat sa kalandian. Yung babaeng 'yon, naku nanggigigil ako sa kanya!
Ito namang si Nikko, papanga-pangako, hindi naman kayang panghawakan. Mahal daw ako? Pero nagsawa din pala, naghanap din ng iba. Kung sa bagay, madalas namang hindi natutupad ang mga pangako.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...