Chapter 11: Wages Of Sins

244 67 0
                                    

JANNA POV


ITO NA NGA BA ANG SINASABI KO EH, nangyari na yung ayaw kong mangyari sa kaibigan ko. Ito siya ngayon, humahagulhol.


Ayaw niyang ikuwento sa akin ang mga pangyayari. Tingin ko, naging masakit talaga ang paghihiwalay nila. Sinubukan ko siyang tanungin pero ayaw niya.


"Sshh, Alaisa, ano bang nangyari. Nandito na ko. Pasensiya na di agad ako nakadating, tinulungan ko kasi yung mga parents ko sa business nila. Pasensiya na talaga." Hinawi ko ang buhok niya habang nakahiga siya sa hita ko. Wala talaga siyang kibo.


She feels unconscious.


Nabigla ako sa kanya ng tumayo siya't umakyat sa kuwarto niya, parang hindi niya man lang namalayan na nandito ako. Kung sa bagay, hindi ko rin naman siya masisisi, kagagaling lang sa hiwalayan eh.


May pinangako ako noon kay Andy, na mageexpect siya sa akin ng malaking gulo kapag niloko niya ang bestfriend ko. Gagawin ko yon, pangangatawan ko yon, alang-alang sa kaibigan ko. Hayop siya.


Pare-pareho lang talaga ang mga lalaki, sa una lang magaling. Kapag nabilog na ang ulo, bigla-bigla na lang mang-iiwan. Masakit dahil naranasan ko na yan.

ANDY POV

NGAYON, wala nang mga panggulo sa buhay ko. Nakabiktima ulit ako. Ang saya ko, ngayon, damhin niya ang sakit. Di ako makokonsensiya sa ginawa ko sa kanya.


Nasa bar ako ngayon. Oo, tanghaling tapat, nandito ako. Gusto kong makatuhog ulit ng mga babae. Habang umiinom naman ako, nabigla ako sa nakita ko.


Si Janna, anong ginagawa niya dito. Ano? Dudugtungan niya pa yung eksena kanina. Always ready naman ako. Nandidilim ang mga paningin niya. Lumapit siya sa akin at bigla akong SINUNTOK. Ang lakas.


"Isa, dahil sa binilog mo ang puso ng kaibigan ko." Sinuntok ulit niya ako.


"Pangalawa, dahil sa mga pagpapanggap mong tunay kang tao pero ang totoo, demonyo ka." Tinadyakan niya naman ako sa tiyan nang matumba na ako.

"Pangatlo, dahil tinuon mo ang pansin mo sa iba." Isa pa ulit na tadyak ang aking natamo. Sa totoo lang, ang sakit na.



"At pang-apat, dahil iniwan mo lang siya." Hindi niya pa rin inaalis ang paa niya sa tiyan ko.


"Ano? Andy, masakit ba? MASAKIT BA? Nabigla ka noh, sinabi ko sayo, magexpect ka sa akin na masasaktan ka kapag ginago mo ang kaibigan ko. Alam mo, kulang pa yan. Kulang pa yan sa mga kahayupan mo." Gusto ko nang sumigaw sa sakit pero ayoko dahil hindi ako duwag katulad ng iba.


"Tama na please." Pakiusap ko sa kanya kahit na ayaw ko talaga. Sumigaw ako ng malakas dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi niya pa rin inaalis ang mga paa niya sa tiyan ko.



"Tama na? Andy, ikaw pa ang may ganang magsabi niyan e ikaw nga tong walanghiya. Kung sa bagay, alam ko namang sinasadya mo ang lahat. Gusto mo bang sirain ako ang sumira ng dignidad mo. Unang-una sa lahat, di ka kagalang-galang." Umupo siya't sinabunutan naman ako.



"Andy, yung kaibigan ko, halos mabaliw na sa kakaisip sa mga masasakit mong sinabi. Minahal ka niya Andy. Di ko nga alam kung bakit ganon na lang ang pagkalungkot niya eh. Hindi niya pa sinasabi sa akin ang dahilan. Kaya sana kainin ka ng konsensiya mo." Tinanggal niya na ang mga kamay niya sa mga buhok ko at umalis na ng bar. Ang tapang niya.



Forever: Is It True?Where stories live. Discover now