Chapter 53: Another Past Travelled

154 60 0
                                    

ALAISA POV

'DI PA RIN maalis sa mga labi ko ang ngiti. Parang ayoko munang lisan ang lugar na ito, gusto ko pang damhin kung ano pang mga magagandang mangyayari. Pero matatapos na din kasi ang party, kaya medyo magpapaalam na sa lugar na ito.

Nang matapos kong hipan ang ilaw sa kandila, napagdesisyunan kong lumabas muna, meron kasi doong mini-garden at sa piling ko, ang sarap magpalamig at mag-moment sa lugar na iyon.

Nagpaalam muna ako kay mommy.

"Mommy?" Natigil ang pakikipag-usap niya kay Nikko at lumingon ito sa akin. Bago ko ipagpatuloy ang pagsasalita, sumulyap muna ako ng sandali kay Nikko pero ibinaling ko din.

"Lalabas lang po ako, sa may garden po. Magpapalamig po, gano'n-gano'n po. Puwede po ba?"

"Oo naman, hindi ko naman pag-aari ang hall na ito. Actually nga, kay Nikko itong tinatapakan natin. Siya ang nakiusap sa akin sa preparation sa debut mo. At alam kong alam mo na ang dahilan, kaya ganito ang theme. Kilalang-kilala ka nga daw kasi niya. Sige na, you may go outside." 'Di ako makapaniwalang kay Nikko ang hall na ito. Siya ang nagdesisyon kung anong ayos ang dapat gawin.

Inaamin ko, namangha ako sa kanya. Lahat kasi ng gusto ko, nandito. Ngayon na-gets ko na yung binanggit niya kanina.

I, made this for you.

Akala ko kasi yung ginawa niyang iyon ay yung mga dahilan kung bakit kailangan ko siyang patawarin.

Lumabas na ako para doon ipagpatuloy ang pagmo-moment. Umupo ako sa isa sa mga upuan doon. Pati din palang inuupuan kong ito, sa kanya.

Inisip ko tuloy yung theme ng debut. Yung pagpasok ko pa lang, tubig na kaagad ang bumungad sa akin. Maybe there's a reason for that. Lahat ng mga nakita ko kanina ay may mga sinisimbolong alaala.

Biglang tumama sa isip ko yung mga panahong nagsimula kami.

"Tulong, tul....., tulongggg."

"Miss, miss."

"Miss, miss are you okay. Wake up."

"Mabuti naman gising ka na."

"It's okay, thank you. Sige na, ako nang bahala."

"Sure ka miss, baka di mo pa......"

"Sige na, mauna kana. Thank you talaga."

Kay siguro tubig, kasi nga doon din kami nagsimula. Yung pagliligtas niya sa akin sa pool, na unang nagpatatak sa isip ko na nilagay niya.

Para nanaman tuloy akong isang batang naghahangad ng mga bagay. Yung mukha ko kasi kapag ganitong mga pangyayari, nakakabata.

Minukhang bata ang sarili, 18 ka na hoy!

Tsaka yung kulay ng theme, asul na asul. Asul pa naman ang paborito kong kulay.

'Di ko pa rin mawari, bakit gano'n? Tila ba yung hinanakit ko sa puso, nang dahil sa kanya, nawala. Pero hindi, kailangan ko pa ding magpakatigas.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now