Chapter 32: IQ Mixed Up Relationship

207 63 0
                                    

JANNA POV



SABI ni Alaisa dadaan daw siya dito sa bahay namin after ng contest niya. Siyempre, hanggang ngayon, iniintay ko pa rin siya.



Tinawagan ko muna si Clyde para naman may makasama ako. Actually, tagal na rin kaming di nagkikita, maglilimang buwan na. Pero ang sabi niya babawi daw siya.




Call him lang daw edi yun na yung ginawa ko. Same grade level but different school ang pinapasukan namin. Lungkot nga eh, doon pa rin siya sa academy.





Calling: Clyde (Charming BesKo 💗)




"Hello, Clyde. Uwian ka na ba?"





"Yes." Siyempre uwian na, di niya naman ako sasagutin kung di pa siya uwian.




"Puwede bang dumiretso ka muna dito sa bahay namin, wala kasi akong kasama at tsaka, para naman may kasama akong ichecheer si Alaisa sa pagdating niya dahil nanalo siya."



"Nanalo siya? Wow naman, galing ng kaibigan natin."




"Hinala ko lang iyon pero magtataka ka pa ba. Alam mo namang matalino yung kaibigan natin, for sure, mananalo na yun, kasama yung partner niya."



"Kung sa bagay tama ka, who was that man again, is that Zach, right? Kinukuwento mo kasi siya sa akin."




"Yes, siya nga. So pa'no, diretso ka na dito? Para makapag bonding din tayo. And this time, apat na tayo. Saya nanaman ng samahan."




"You nailed it. Okay, so see you there. Bye."




"Okay, Bye." Pinatay ko na ang tawag at inilapag ang phone ko sa isang table.




Habang naghihintay kay Alaisa, nag-isip muna ako ng mga bagay-bagay. Nagpahangin muna ako sa terrace namin, sariwa ng hangin. Naalala ko lang, nung mga panahong kami pa ni Clyde, lahat ng mga pinagsamahan namin, napagdaanan at kung paano nagsimula ang relasyon namin. Palagi kong tinatanong sa sarili ko, bakit nga ba hindi pa ako bumalik sa kanya? Siguro naman, everyone deserves second chances pero kaunting porsyento ng utak ko ang nagsasabi ng katanungang bakit ko pa siya kailangang balikan, e tapos na man na kami, sinaktan niya ako ng lubusan. Ewan ko ba, bahala na si tadhana, si panahon at si God sa magiging future ko. Bata pa kasi ako noon, siguro nga, isa lang iyong bulong sa akin tungkol sa paggising ko sa katotohanan. At kung dumating ang takdang edad na magkalovelife ako, sana sa nararapat na tao na.




Forever: Is It True?Where stories live. Discover now