Chapter 38: Faults

292 68 1
                                        

ALAISA POV

"MS. ROBLES, sasabihin ko to sa'yo. Ito ang unang beses na magkaroon ng ganitong kalalang karahasan sa paaralang ito. According to Mr. Agustin, talagang inamin niya sa harap namin na sinadya niya talaga ang mga bagay na iyon, at ang mas masaklap pa, dati niya pa yung ginagawa. Ang mga nawawalang babae at mga biglaan na lang namamatay, ay siya rin pala ang dahilan and I'm so disappointed dahil hindi lang kayo ang maaapektuhan, pati na din ang reputasyon ng eskuwelahang ito. Yet, we cannot do anymore, it's already happened." Bigla akong nalungkot sa mga sinabi ng aming principal. Hindi pa rin ako makakibo ni makagalaw. Pinilit ko ang bibig ko na magsalita at mabuti naman nakapaglabas pa ko, pinaliwanag ko sa kanila ang sa akin kaakibat ng sinabi nila.

"Ma'am, pasensiya na po. Alam ko pong matalino ako pero nagkaroon pa rin ako ng kaistupidahan sa mga bagay. Nagkamali po ako na naging boyfriend ko siya." Napatungo na lang ako dahil hindi ko na din talaga kaya. Patuloy akong nakahawak sa kamay ni Janna.

"We know Ms. Robles that we're not your parent's pero sasabihin ko na din sa'yo ito. Masyado ka pang bata para diyan. Sana kinilala mo muna ang tao bago ka humantong sa sitwasyon na alam mong sa huli ay pagsisisihan mo. Maybe it's just infatuation pero sa mga nakikita ko ngayon, alam kong minahal mo ang tao. Oo, sabihin na nating napakabigat ng kasalanan ni Mr. Agustin pero Ms. Robles, may kasalanan ka rin, hindi sa kanya kundi sa sarili mo. Hindi ka nagbigay ng puwang sa dignidad mo kung kaya ganyan ka na lang tratuhin ng mga tao. Yun lang Ms. Robles, pero alam mo, mas marami ka pang makikilala."

"I know po ma'am. And you're right about my mistakes." Natamaan ako sa sinabi ng aming guidance counselor, bigla na lang tumulo ang luha ko dahil bakit ngayon ko lang napagtanto. Ngayon ko lang napagtanto ang mga pagkakamali ko. Tumama ka sa kahiputuran ng pagkatao ko ang puno't dulo ng mga nangyayari sa aking ito. Tanga ako sa pag-ibig, nasaktan ako ng tatlong beses at ngayon, alam ko na sa sarili ko na mali ako.

"I see, Ms. Robles. Ilabas mo lang, walang masama kung hindi mo ilalabas yan. Okay, just remember what I say, pati na din ng ating principal, you may leave now." Walang emosyong sabi ng aming guidance counselor. Lumabas ako kasama ni Janna ng lumuluha.

"Alaisa, tama na yan. At least now, okay na ang lahat at babalik na uli tayo sa dati."

"Janna, sadyang naiinis ako sa sarili ko, nalulungkot kasi Janna, alam ko na lahat. Hindi ko masyadong ginalang ang sarili ko, mas tumuon ako sa mga mahahalagang tao sa buhay ko. Halos lahat Janna, lahat." Hinigpitan ni Janna ang pagkakayakap niya sa akin. Napakasakit talaga, yung piling na sirang-sira na ang reputasyon ko, ang dignidad ko. Ano pa bang mas nararapat kong gawin. umiyak, magwala, magpakamatay? Pero kahit gawin ko yan, hindi mawawala lahat. Yakap-yakap pa rin ako ni Janna ng bigla ko nanamang naalala lahat ng mga masasakit na salitang binitawan sa akin ng mga lalaking sinira, pinaglaruan at nanggamit ng pagkatao ko.

"Ganyan naman kayong mga babae diba. Sa una lang kayo didikit-dikit sa aming mga lalaki tapos sa huli ano, iiwan niyo lang din kami, iiwan mo lang din ako. Kaya huwag kang magtaka kung bakit kita trinaydor nang ganito.

"Tama na, Alaisa. Oo, totoo lahat iyon. Aalis ako, iiwan kita, DI KITA MAHAL. ALAISA NAMAN, TUMIGIL KA NA. LAHAT NG MGA SINABI KO AY MALINAW. PARA MATAPOS NA ITO, I'M OFFICIALLY BREAKING UP WITH YOU. FINAL."

" It's all her fault okay, hindi sana siya nandito kung hindi siya nagpunta sa bahay namin. Nalaman niya ang totoo na ginagamit ko nga lang siya para mapabagsak. Siyempre, expected na umiyak yang tangang iyan."

Lahat ng mga linyahan ng mga lalaking yan ang sumira sa akin. Ilang beses ko silang pinaniwalaan, pinaniwalaan na mamahalin nila ako ng tunay. Wala, wala talaga dahil naging tanga ako.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now