Chapter 67: Last To Goodbyes?

127 29 0
                                    

"Forever doesn't mean you're always together with each other, it portrays your love to each other if it'll lasts forever."

~IntellectuallyQuiet~

---------------------xx

ALAISA POV

NAGPATU-PATULOY ang pagsasagawa niya ng chemotherapy para tuluyan nang maatake ang mga abnormality ng kanyang white blood cells.

Araw-araw palagi ko siyang dinadalaw gaya ng pinangako ko sa sarili ko.

Madalas ko din siyang dinadalhan ng mga pagkain, at parang ako na rin yung nagiging nurse niya dahil yung mga dinadala minsan ng nurse na pagkain, ako na din ang nag-aasikaso.

Nag-iba na din ang pisikal niyang hitsura't pangangatawan pero kahit ano pa mang pagbabago ang mangyari sa kanya ay hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya.

At katulad ng ginagawa ko ngayon, kasalukuyan ko siyang pinapakain ng pagkaing dala ng nurse.

"Isa pa oh?" At sumunod naman ang mga bibig niya. Ngumanga siya't sinubo kung anong laman ng kutsara.

Tapos kinuha ko naman ang isa pang baso ng tubig.

"Eto naman oh? Inom ka na!" Ilalapit ko na sana sa bibig niya ang baso pero kinuha niya ang baso. "O, bakit?" Tanong ko.

"Ako na, kaya ko naman. Salamat nga pala ulit." Ngumiti na lamang ako ng matipid at ibinigay sa kanya ang baso.

"Sabi ng doktor ang lakas-lakas mo daw, nalalabanan mo daw yung epekto ng therapy sa'yo kaya sana patuloy kang maging matatag, para gumaling ka na ng tuluyan. At, kapag nangyari 'yon, sisimulan na ulit natin ang sa atin. Kaya, be strong and also, pray kay God para ibigay niya sa iyo ang kalakasan." Inilagay niya na ang baso sa mesa, at hinawakan niya ang kamay ko't inilagay sa dibdib niya.

"Thank you for staying at me. I'm so sorry kung masyado na kong nakakasagabal sa mga gusto mong gawin." Sabi niya. Inilagay ko naman ang kamay kong isa sa dalawa naming kamay na magkahawak.

"Kahit kailan, hinding-hindi ka makakasagabal. Walang makakasagabal dahil ang tangi kong gustong gawin ay ang patuloy kang alagaan. Yun lang kaya walang sagabal." Inialis ko na din ang mga kamay ko pagkatapos.

Tatayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko ng mahigpit.

"My forever, please don't leave for now!" Lumingon naman ako at bumalik uli sa kinauupuan ko.

"What is it? May kailangan ka pa ba?" Nakangiti kong tanong.

"Just a request?"

"Request? Go on."

"Gusto kong lumabas. Gusto kong puntahan yung mga lugar na naging memorable sa ating dalawa. Can you take me there?" Alam ko na ang ibig niyang sabihin, kaya naman agad akong sumanga-ayon sa kanya.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now