Chapter 28: Another Chance

180 66 0
                                        

JANNA POV

PAGKATAPOS sabihin iyon lahat ng doktor, agad kong pinuntahan si Alaisa sa room niya noong nilipat siya ng mga doktor.


Binuksan ko ang pinto na sinabi sa akin, 14-A daw, pagkapasok ko rin naman, kitang-kita ko pa rin ang kawawang Alaisa.

Pero sa paglapit ko sa kanya, nakita kong dumilat ang mga mata niya.

"Nasan ako?" Ang pagtataka niyang tanong sa paligid. Di naman sa nagiging OA, baka naman nagka-amnesia na ah. Itinigil ko na lang ang pagiging overthinking sa mga bagay-bagay, sinagot ko ang tanong niya.


"Nasa hospital ka, bes." Hinawakan ko ang kamay niya at nilingon niya ito.



"Janna?" Tapos itinaas niya ng kaunti amg sarili niya at niyakap niya ko.




"Mabuti naman at ikaw na ulit yan. Love na love talaga kita, bes." Bumitaw na rin siya sa pagkakayakap at bumalik sa pagkakahiga ngunit ang ulo niya ay nakatagilid sa akin.



"Ako pa rin ito, at mananatiling ako ito. Hindi ko lang napagtanto ang mga ginawa ko. Pasensiya na rin kung pinag-aalala ko kayo ah. Yung muntikan kong pagpapa....." ayoko nang marinig ang mga sasabihin niya. Kaya........


"Sshhh, Alaisa, huwag mo na lang ituloy. Basta ang mahalaga okay ka na at hindi mo tinuloy yung mga balak moooo. Kaw talaga!!" Kinurot ko siya sa pisngi at mukhang nakulitan siya sa akin.


Pinitik niya naman ako sa kamay, nakulitan nga ito.


"Ikaw talaga, alam mo namang ayaw kong ginagawa sa akin yan eh. Sige, tutuloy ko na."


"Talaga ba, sige ka, hindi ka tatanggapin ni Lord."



"Itigil mo na kasi yan. To, namo Janna namo."



"AH, sige, nandiyan nanay ko. Magsasabi ka pa." Nagpatuloy ang mga kakulitan naming hanggang sa pumasok ang nanay ko.



"Ang saya-saya niyo diyan ah. Reunited na ba ulit?" Tapos umupo siya kasama namin. Si Alaisa, medyo nahihiya pa rin ang mukha. Siguro iniisip niya na naistorbo pa yung oras ng tita niya para lang sa ganito.





"Alaisa, huwag ka nang tumahimik. Kahit na sabihin mong hindi namin problema ito, damay-damay na rin yan kasi itinuring na natin ang isa't-isa bilang pamilya, so you're part of us already. Basta sa susunod, huwag mo na ulit gagawin iyon, iyan ang pinakaistupidong bagay na gagawin mo kapag nangyari, binigay sa'yo yan, pahalagahan mo." Nakaabot pa tuloy siya ng sweet na sermon kay mommy pero okay na rin iyon at least sa pangalawang pagkakataon, napaalalahanan siya tungkol sa kamalian niya. Naharang siya ng mga bagay na kung saan, makapag-aangat sa kanya mula sa kalungkutang kanyang pinamamahayan.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now