ANDY POV
PAMILYAR nga sa akin ang boses. Si Alaisa nga. Ano nang gagawin namin? Ok lang yun, yung kasama ko namang girl yung tinatanong niya.
"Miss, ok lang po ba kayo diyan, baka kailangan niyo ng tulong." May naisip akong paraan kung paano malulusutan ito.
"Um, yes. I'm okay. Di lang masyadong nagfit yung damit sakin kaya ako napasigaw at nahampas yung pader. Sorry kung nakaistorbo ako." Palusot na sabi ni Portia. Matagal bago magsalita si Alaisa.
"Okay." Bumalik ulit siya sa fitting room. Lumabas na kami ng fitting room at binayaran na ang damit sa counter. That was close.
JANNA POV
ANG TAGAL naman ng babaeng yon. Magsusukat na nga la ang eh. Lumabas na rin siya after 20 minutes. MY GHAD!!!
"Ginagawamue, tagal mo? May pinuntahan ka pa bang iba." may naibigay naman siyang paliwanag sa akin.
"Sensiya na. Natagalan ako kasi may tinanong pa kasi akong isang babae don. Ingay ba naman kasi. Naungol tapos hinahampas pa yung pader. Sabi niya naman na di masyadong magfit yung damit niya. Baka mataba." Sabay tawa niya sa akin. Umirap ako ng pasimple at binayaran na ang damit sa counter. Very Good, sumunod siya sa rules ko.
3K lang ang binayaran namin. San kami sunod na pupunta? Photoshoot? Oo, tama. 9pm na. Ok pa yan, kaya pa. Mapalad kami ito ay bukas pa.
"Magpapicture na lang tayo para may memories naman tayo this 2018, sa MOA."
"WELL, I AGREE." Pagsang-ayon ko sa kanya. Maganda ang mga pagmumukha namin. Wow naman. 20 minutes kaming nagintay. Maganda naman ang naging quality ng picture. Very HD. Pinaframe namin ang picture namin para shala.
Nong naglalakad na kami, mayroong taong pamilyar na dumaan sa amin. Nung pinagmasdan ko naman, parang si..... ANDY?? Di pa rin ako sigurado kasi imposible na maging siya kasi may babae siyang kasama, nakaakbay pa. Ito ang mga nangyari.
"Bes, alam mo ba na magcoconcert ang BTS dito sa MOA. Mga katapusan ng August?" Naging topic ang BTS.
"Nge, alam ko na yan pero di naman ako number 1 fan non eh. Siguro ikaw, nagagwapuhan ka, pero ako. Di masyado." Talaga. Di siya fan ng k-pop group na iyon. So sad.
"Grabe ka naman, parang sinabi mo na rin na ayaw mo talaga sa kanila. Sige di na tayo........." Napatigil ako dahil nakita ko na nga yung guy na inaakala ko si Andy.
"Bes, ano yun?"
"Si Andy ba yon. Alaisa oh, tingnan mo si Andy." Nagtaka naman siya sa mga sinabi ko.
"Ano ka ba? Si Andy nandito. Wala nga yong paramdam sa akin eh. Kung aalis yon, sasabihin niya sa akin yun." Nagkaroon ako ng clue sa sinabi niya. Kung hindi nagparamdam si Andy sa kanya the whole day. Baka yung nakita ko kanina...... hindi puwede to. Ayokong maloko ang kaibigan ko. Sinabihan ko siya.
"Sinabi mo na lang rin na di nagparamdam yang taong yan sayo, e baka nga siya yung nakita ko kanina. Alaisa, may kasama pa siyang babae." Di siya naniwala sa mga sinabi ko. Mukhang 100% talaga ang tiwala niya sa lalaking iyon. Basta ako, hindi na.
"Hindi yan. Sigurado akong inaalagaan niya tatay niya. May sakit yun eh." Medyo di pa rin ako mapakali. Kating-kati akong malaman ang totoo. Gusto ko nang bitbitin ang mga paa patungo sa kanila. Magiging investigator ako ngayon ng kaibigan ko. Kapag napatunayan ko, I will all split it out.
Pero ngayon, bonding muna yung pinagtuunan namin ng pansin. Mamayang 10, may fireworks display. Katulad ng dati, parang bago pa rin talaga sa amin ang mga ganito. Iba talaga pag MOA eh.
Ito nanaman ako. Nakita ko nanaman ang dalawa. This time, di ko na pinalagpas ito. May pinuntahan ang dalawa. Sa may CR? Anong gagawin nila doon.
"Alaisa, dito ka muna ah. Pupunta lang ako ng CR, dyan ka lang."
"Sige, bilisan mo lang ah, baka di mo maabutan yung exciting na part." Pumunta na agad ako ng CR, pero di ko ito pinasok. Binuksan ko lang ng kaunti ang CR, at totoo nga ang hinala ko, siya nga iyon. SIYANG-SIYA.
Narinig ko ang pinag-usapan nila.
"Babe, I love you." Sabay halik sa labi ng babae.
"I love you too, honey." Tugon ng malanding babae. Di ako makapaniwala na ganoon sila kahayop, lalong-lalo na si Andy, mas masahol pa siya sa HAYOP. Papaano niya nagawa ito sa kaibigan ko. Kahit masakit sa akin at sa kaibigan ko. Vinideohan ko ang mga nakakasulasok at nakakatraydor na pangyayari. Hindi ko hahayaang lokohin niya ang inosente kong kaibigan.
Sinasabi ko na. Una pa lang, may nararamdaman na kong di kakaiba sa kanya. Napakagago niya. Di ako magsasawang sabihan siya ng mga masasakit na salita. Magsama silang dalawa sa baba.
Tumakbo ako papunta sa kaibigan ko na umiiyak. Kahit ako naaapektuhan, di ko kasi alam kung paano ko sasabihin ang lahat sa kaibigan ko. Ayoko nang madagdagan ang kasalanan ko sa kanya ng isa pang kasalanan.
Doon kami nag-usap sa may tahimik na lugar.
"Janna, bakit ba. Ano ba? Nasasaktan ako."
"Oo, Alaisa. Masasaktan ka talaga."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Di ko alam kung paano ako magsisimula. Alaisa, napakahayop niya. Napakagago at napakatanga niya. Sana di ko na lang siya hinayaan sa'yo." Nagtataka na rin si Alaisa.
"Janna, sinisiraan mo ba si Andy sa akin? Sumagot ka? Ano ba Janna sumagot ka nga."
"Oo, dahil yun ang nararapat sa mga masasahol na taong tulad niya. Ayokong magsalita sa'yo. Ito, panoorin mo. Diyan mo malalaman lahat. Yan ang magiging alas mo laban sa kanya at kung bakit kailangan mo siyang kamuhian."
ALAISA POV
PINANOOD ko ang video na ibinigay niya sa akin. Hayop? Papaano niya nagawa sa kin ito. He is having an affair with another girl. NAPAKAHAYOP NILA.
"NAPAKAHAYOP NILAAAAAAAAA. ANONG GINAWA KO SA KANILA? MAMATAY NA SILA. ANG TANGA TANGA KO JANNA, ANG TANGA TANGA KO. BAKIT NAGPASAKOP AKO SA PAGKATAO NIYA. TAMA KA, DAPAT NAKINIG AKO
SAYO." Nagsisisi kong sabi sa kanya. Siyempre, naapektuhan ako, sobra. Sa ngayon, gusto ko muna palipasin ito.Ayaw ko munang isipin ang napakasahol na pangyayari na nangyari sa buhay ko. Pinagkaisahan nila ako, napakahayop ng mga taong yun. LALONG-LALO NA SIYA.
Umuwi na lang kami baka kasi makita ko pa yung gagong boyfriend ko. Boyfriend nga ba o kampon ni Satanas. Sana lang makonsensiya siya sa ginawa niya sa akin. Bukas, kakausapin ko siya tungkol doon.
Ako na mismo ang makikipagbreak sa kanya.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Note:
May apat nang nakabasa nang walanghiya kong istorya. Wala namang follower. Bulok din. Pero ang maganda, masaya ako na sinusulat ito.
-INTELLECTUALLYQUIET
#FIITSplitItOut

YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...