Chapter 43: Truth

317 68 0
                                        

DENISE POV (Mother of Janna)

THIS CAN'T BE, dapat matagal nang wala yun. Napakatagal ko nang dinispatsa ang taong iyon pero bakit pa siya bumalik.

"WHAAHHHHHHH!" Binato ko ang vase sa may sahig. Wala akong pakialam kung marami pang mabasag. Hindi puwedeng mabuhay pa yung taong iyon.

Tapos ano? Ako ang babagsak, masasayang lahat ng pinaghirapan ko para mapatalsik ang pamilya na yon. Sinabayan ng pagkagalit ko ang pagdating naman ng anak kong galing sa mga kaibigan niya.

"Mommy, ano 'to? Bat nabasag yung vase? My God naman, kagabi pa kayo ganyan. Diyos ko namang pasko 'to, BUWISET." Dinaanan niya lang ako at umakyat sa taas. Pero hindi ako basta-basta na lang tumayo. Hinding-hindi ako basta na lang ganyan-ganyanin ng anak ko.

Lumapit ako sa kanya at hinarap sa akin. Pinagbuhatan ko siya ng kamay para tumino.

"Hoy, unang-una, anak lang kita, kaya ayus-ayusin mo yang mga sagot mo. Ano ngayon kung pasko? E ikaw nga, halos araw-araw wala ka. Wala ka namang ibang ginagawa kundi makisama diyan sa mga malalandi mong mga kaibigan. Ano bang nangyari sa'yo Janna hah? Ang dami ng nagbago sa'yo, hindi na ikaw yung Janna na nakilala ko." Mukhang nasaktan ang anak ko sa mga sinabi ko. Tumulo ang kanyang luha sa kabila ng kanyang nangingibabaw na galit sa akin.

"And how dare you mommy? Wala ka ring pakialam na kutyain ako sa mga ginagawa ko. Buhay ko ito kaya kahit ikaw, si daddy o kahit sino pa, wala kayong karapatang pakialaman 'to. Isa pa, ikaw nagtulak sa akin na ibahin ang mga kaibigan ko. Bakit parang ngayon, binabawi mo na yun? My God, nilayuan ko na nga yung demonyitang Alaisa na yon tapos ngayon, may panibago nanaman." Punong-puno ng galit ang kaloob-looban ko sa mga sinabi niya. Huminga muna ako ng malalim sa hangin bago magsalita.

"Wala akong sinabing ibahin mo ang mga kaibigan mo. Ang sinabi ko lang, layuan mo yung Alaisa na yun dahil masamang impluwensiya yung taong iyon sa'yo. Isa pa, sinabihan ba kita na magpaka-agresibo. Look at yourself first Janna, baka makuha mo ang punto ko." May problema na nga ako sa isa, dadagdagan pa ng isa, Diyos kong buhay naman 'to. Mabuti na lang at hindi na umimik itong anak ko, inirapan ako nito't lumakad pataas.

Iniisip ko pa rin kung papaano nangyari. Hindi puwedeng mangyari iyon. Dapat nasa kabilang buhay na ang mga iyon.

Umupo ako sa sofa ng padabog, hawak-hawak ang noo ko ng aking mga kamay.

"YAYA, TUBIG." Pasigaw kong sabi. Wala na akong pakialam kung magalit man sila.

"Ma'am, ito na po."

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now