Chapter 59: No Reply

138 51 0
                                    

ALAISA POV

DUMATING pa pala siya, akala ko nga patuloy na siyang magiging busy doon sa isa.

Hindi ko nga rin ba alam kung bakit hindi ko siya pinapansin. Wala namang dahilan kasi itong mga pagseselos ko.

Hindi naman kami, at talagang wala naman talagang kami. Hindi din naman ako tanga para hindi niya mapansin yung asal ko.

Mga ilang minuto lamang, dumating na din yung dalawa. Seryoso pa din ako kahit yung mga iyon ay dumating na.

"We're here guys! Let's go na sa susunod na bonding. Ow! Nandito na pala si Nikko. San ka ba kasi nagpunta? Tingnan mo itong si Alaisa, kanina pa nagtatampo, kanina pa nga 'yan tahimik eh!" Kahit kailan talaga hindi mapigil ang bunganga nitong si Myrna.

Napagsalitaan ko tuloy siya ng wala sa oras.

"Tumigil ka nga! Hindi mo alam kung bakit ganito ako! May iba pang dahilan kung bakit ganto yung pagmumukha ko!" Pasigaw kong sabi.

Nangyayari sa akin?

"Pasensiya na! Hindi ko kasi alam na meron pa palang mas malalim na dahilan kung bakit ka ganyan. Pasensiya na!" Nahiya tuloy ako sa mga ginawa ko sa kanya. Napahawak na lamang ako sa noo ko.

"Pasensiya na din Myrna. Pasensiya sa inyong lahat, sinisira ko tuloy yung araw na'to na dapat masaya lang tayo." Humingi din ako ng tawad, para ayos na lahat.

"So, okay na guys, finish na'to ah? Punta na tayo ng Tom's World." Kahit na gusto kong matawa sa sinabi ni Jushia, hindi ko magawa. Pero pinilit ko ang sarili ko.

"Tom's World Jushia? Bata ka? Bata ka?" Pilit kong pagbibiro para hindi mailabas ang sakit na gustong ilabas.

"Why? May mga matanda namang naglalaro doon. Basketball, yung hockey. Isa pa, teenager tayo kaya consider tayo as children." Talagang nadepensahan pa ang sinabi.

"Sabi ko nga, doon na tayo, kung papayag si Clyde." Sabi ko. Hindi ko talaga dinamay si Nikko, ngayon ko lang naalala ang sinabi niyang mahal niya pa din ako.

Kasi kung mahal niya ako, hindi siya tutuon sa iba. Pero nanggigigil din naman ako sa sarili ko, ano ba kasing inaarte ko? Bakit ayaw ko pa kasing sabihin?

Masasabi ko na nga sana non'g isang gabi kung di lang dumating si mommy. Tila ba'y pinipigil ba talaga ng tadhana ang pag-amin ko.

"Oo naman. Diba Nikko?" Tinapik nito sa braso si Nikko at pumayag naman ito.

Sila, nagtatatalon nanaman doon. Ako, tamang ngiti lang.

Habang papapunta kami sa Tom's World, itong si Nikko, nagbalak lapitan ako.

"Alaisa are you upset with me?" Tanong niya ng mahinahon. Mahinahon nga ang pagkakasabi pero hindi ko alam kung magiging mahinahon din ba ako sa pagsagot. "Alaisa? Kung may problema ka, sabihin mo lang sa'kin. Diba I told you that I will always be here with you when you have some circumstances." Circumstance ba kamo? Yung nakita ko kanina yung circumstance na sinasabi niya.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now