Chapter 40: Is There Still a Hope?

317 66 0
                                    

"Habang may buhay, may pag-asa."

------------------------xx

ALAISA POV

KUNG IIYAK na lang ako, wala naman akong mapapala. Nawala na ang mga gumagalang sa dignidad ko. Lahat, lahat-lahat. Yung dating pinupuri nilang matalino at palaban ay naglaho na.

Yung akong palaging masiyahin at napakasupportive, wala na din. Hindi ko na ininda pa ang sakit noong napaupo ako sa sahig. Tumayo na lang ako at inayos ang sarili ko.

Pumunta ako ng C.R para mag-ayos.

Mabuti na lang walang tao at hindi madumi. Una, pinakaramdaman ko muna ang sarili ko.

Ano bang nangyayari sa akin?

Okay pa ba ako?

Mga tanong na tila ba hindi ko mahanap ng kasagutan kahit na napakasimple.

Siguro nga napakahirap para sa isang tulad ko, dahil katulad ng sinasabi nila, I'm the dumbest intelligent they've ever known, ever seen. Siguro naman ngayon masaya na sila, sana nga lang bukal sa puso nila lahat ng mga sinasabi nila, at sana, hindi nasama ang konsensiya sa mga sinabi nila.

Kasi halata naman kasi, halatang napakasaya ng mga ginagawa nila sa akin. Pati nga kaibigan ko, kinasuklaman ako sa hindi malamang dahilan. Kung mayroon mang nag-udlok sa kanya, halatang-halata ang kasagutan.

Pangalawa, tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Nagbabakasakali na malaman ko ang kasagutan.

Bakit ba ako nagkanito?

Bakit ako nagpakatanga't umasa?

Bakit galit na galit sa akin ang mundo?

Ginugulo pa rin ang isip ko ng mga katanungan, hindi ko pa rin mahanap ang sarili ko. Ano pa bang pagkakamali ang meron ako.

"Anak, lumaban ka. Ganyan nga kita pinalaki diba. Ipakita mo sa lahat na kaya mo. Para sa akin, ikaw ang exceptional sa lahat ng mga competitive na nakilala ko, dahil alam kong may tiwala ka sa sarili mo. Hah, anak." Isang wika ng aking ina ang nanumbalik sa aking isipan. Iyana ng mga huling kataga na lumabas sa kanilang bibig bago siya mamaalam sa akin, yung sana, sinulit ko na ang mga panahong kasama sila. Maikli lang talaga ang buhay.

Oo, lalaban ako. Dahil ganyan ako pinalaki ng magulng ko at ako ang exceptional sa lahat ng mga competitive sa mundo. Whoever destroys me, I don't care now.

Kasi, kung patuloy akong magpapadala sa mga sinasabi nila, hindi at hindi ko talaga makikita ang sarili ko. Hindi ko pa alam kung sa paglabas ko dito ay ang simula na nga ng dating ako, na hindi nasaktan ang puso, na patuloy na lalaban kahit ano pang mangyari.

Pinunasan ko ang mga kaunting luha na nalalabi sa aking mata at lumabas na. 6:55 na, magsisimula na ang klase. Pagpasok ko, palagi naman, maingay sila at mabuti naman at hindi na nila ako pinansin.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now