Chapter 37: Sort Out

244 66 0
                                    

CLYDE POV

NAG-END ang call ng biglaan na hindi ko man lang nalalaman ang dahilan pero ang hinuha ko, kinuha iyon at pinatay. Marami mang gumugulo sa isip ko, ang mahalaga, mahanap ko ang dalawa. Wala rin akong alam kung nasaan sila.

Anong gagawin ko?

Ito ang unang beses na hahantong ako sa sitwasyong ito. Sitwasyon na kung saan may mga peligro't panganib na magaganap, sa mismong mahahalagang tao pa sa buhay ko.

Janna, Janna. Alaisa, nasaan na kayo?

Ang tanging paraan na lang ay ang sabihin ito kay tita kaya iyon nga ang ginawa ko. Sumakay na ako ng taxi at minadali ang pagtakbo sa gate nina Janna.

*Doorbell Rings*

"Tita, mabuti binuksan niyo na po. Makinig po muna kayo sa akin, sila Janna po at Alaisa..." huminga muna ako ng malalim para masabi koi to ng buong-buo.

"Oo nga pala, si Janna, nakita mo ba? Kanina pa namin siya hinihintay ng daddy niya." Huminga uli ako ng malalim tsaka ipinagpatuloy na ang pagsasalita.

"Nasa panganib po sila tita, dahil kay Zach."

"ANO? Pa..papaano nangyari. Ito nanaman, peligro nanaman. Diyos ko po, ano bang buong detalye."

"Hindi ko rin po alam, yung huli po akong kinausap ni Janna sa phone, ang sabi niya po dinakip daw po si Alaisa pero yung sasabihin niya na po yung lugar, namatay yung phone."

"Alaisa, ALAISAHH. Sige, tatawag na ako ng mga pulis, unuwi ka na sa condo mo. Kami ng bahala dito." Medyo galit ang pagkakasabi ni tita sa pangalan ni Alaisa pero hindi na mahalaga iyon. Kailangang may gawin ako, ayoko nang may walang gagawin.

"Tita, sasama po po ako, mahalaga po yung dalawa sa akin, lalo na po yung isa." Ang binabanggit kong isa ay si Janna.

"Ok, naiintindihan ko naman na kung bakit mo 'to ginagawa, alam ko yun iho kaya sige, tumulong ka na din sa'min."

"Sige po tita." Pumasok muna ako sa loob at tumawag na nga ng mga pulis si tita. Samantalang ako, nanatili pa ring nakatayo habang nag-aalala. Iniisip ko ang mga posibilidad sa mga ganitong sitwasyon. Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako hahantong sa ganitong sitwayon pero ayon sa mga kuwento nila, una doon sa unang boyfriend ni Alaisa, so sa tingin ko pangalawa na'to. Minsan na din pala napahamak ang dalawa, si Janna, kahit ilang beses na nagkakamali si Alaisa, hindi pa rin siya nito binibitawan kaya lalo pa't ngayon na naulit nanaman, kailangan ko na talagang kumilos para magawa ang mga hindi ko nagawa noon, para sa mga kaibigan ko, lalong-lalo na sa minamahal ko.

JANNA POV

NAGISING ako ng nakahawak sa ulo ko dahil masakit ito. Ako'y nasa isang matigas na kahoy na upuan. Mabuti na lang hindi ako nahulog dito dahil isang pahaba lang ito kung ilalarawan. Limang metro naman pakanan ay nakaupo si Alaisa, nakabigti sa paa at kamay. Triple-triple na ang pagkakatali sa kanya na para bang hindi na talaga siya makakahinga.

Diyos ko po, kailangan ko ng kumilos pero paano ko gagawin kung nakatali din ako. Nakayuko pa rin siya at nakapikit ang mata. Sigurado akong may nangyaring hindi maganda kaya bilang nangyari nga iyon, ito naman ang nangyari. Ano 'to? Bilang kabayaran. Gusto lang naman ng kaibigan kong maging masaya at mahalin siya ng lubos. Pero bakit ba ginagawa ito ng mga tao sa kanya. Inaamin ko, baka kasalanan ko rin ito. Kung sana naging mahigpit pa din ako sa kanya, patuloy na ang pagdaan niya sa tuwid pero sabi nga ng iba na mga pilosopo, walang tuwid na daan at iyon ang mga nangyayari kay Alaisa magpahanggang ngayon. Akala ko, sapat na ang pagiging matalino para makapili ng tama pero hindi. Tulad ng marami, maraming proseso. Sa mga nangyayari ngayon, inaamin ko rin na hindi masyadong ginamit ni Alaisa ang isip niya.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now