ALAISA POV
PANSAMANTALANG tumahimik ang paligid. Parang ayaw pang papasukin ni Janna itong si Clyde. May galit ba siya dito? Anyway, tinanuong ko na lang si Janna.
"Janna? What is this all about? Bat ayaw mong papasukin si Clyde? Alam mo, mas magandang nandito na siya. Diba, reunion?" Walang pagbabago sa ekspresyon sa mga mukha nila. Nanatili kami sa labas ng gate, wala pa ring umiimik.
"Janna, ayy nice talking. Huwag na tayong magtampo sa kanya, alam kong bigla na lang siyang nawala. I know naman na nandito siya para mag explain and mag apologize, diba tama ako Clyde?" Di ko maintindihan ito. Ang tagal lang di nagkikita, parang kinalawang na rin ang friendship.
"Yeah." Ang mahinang pagtugon na narinig ko kay Clyde.
"Sabi ko nga, Alaisa. Friend? Tara pasok na tayo, Clyde tara na??" Pagyayaya ni Janna sa aming dalawa. Tumango na lang si Clyde ng mahinhin at pumasok na kaming tatlo.
Umupo kami sa sofa para simulan na ang reunion. It's been 4 years noong huli naming nakita si Clyde. Di ko nga alam sa taong ito kung bakit nawala na lang bigla. At ito pa, noong araw din na yon, masyadong affected yung kaibigan ko. Dahil nga close namin siya, ganoon na rin siguro siya ka affected.
Sa totoo lang, nung kami-kami pa ang magkakasama, mas close yung dalawa kaysa sa akin kaya madalas akong di naiinclude sa mga bondings nila.
After 5 minutes, may nagsalita na rin. Walang iba kundi ako. Tahimik kasi ng bahay. Nakakabingi!
"So, Clyde. About sa iyong pagkawala nang ilang years. Ano ba talagang nangyari? Di mo ba alam itong kaibigan ko, masyadong affected sa pag-alis mo, ngalngal pa nga ng ngalngal eh." Pagbibiro kong panimula sa kanila. E aba, kailangan talaga yun, paano magkakaintindihan.
"Unang-una, yun talaga ang pinunta ko dito, ang makapagpaliwanag." Biglang nag-iba naman ang ekspresyon ni Janna. Nagagalit yata siya kay Clyde.
"Oo nga, Clyde. Sabihin mo na. Ano ba talaga ang dahilan, FRIEND!! Ang tagal mong nawala." Pangkiller smile naman ang nakita ko kay Janna after niyang sabihin yun. May galit ba talaga sila sa isa't-isa.
Iniwasan ko na ang pagtataka kasi nagsalita na si Clyde.
"Lumipad ako patungong States. May sakit kasi ang mommy ko, cancer, stage 3. Si Daddy naman, he told me na doon ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. After few months nang pamamayagpag ko doon, nangyari na nga ang kinatatakutan namin, ang hindi na malabanan ni mommy ang sakit niya. Pumanaw din siya noong araw na yun. Pasensiya na't di ako nakapagpaalam ng maayos, Alaisa, Janna. Galit pa rin ba kayo sa akin?" May nangyari nanamang pagpanaw ng magulang. Nakita kong tumulo ang mga luha niya. Di ko alam na ganoon pala ang nangyari.
"Sorry for your lost. Now I understand kung bakit kailangan mong umalis nang wala sa oras. Akala kasi namin, wala na kaming silbi sa'yo kaya umalis ka." Naging mahiyain pa rin ang mga kinilos niya. Ok na sa akin yun, nakapagpaliwanag na siya.
Pero bakit parang si Janna, mukhang di pa rin naniniwala.
JANNA POV
KUNG TOTOO ang sinasabi niya, paniniwalaan ko pero may araw pa din talaga akong di makalimutan. Ayoko nang balikan pa baka lalo akong masaktan.
Pagpapanggap ang kailangan ko ngayon. Di ko talaga kayang ipagtapat. Ayoko nang maungkat pa ang lahat dahil hiyang-hiya ako sa kaibigan ko, ako ang laging nagpaparangal at always ko siyang pinagsasabihan na huwag maglihim pero ngayon, ako na itong mapaglihim na kaibigan. Mukhang masaya pa rin si Alaisa sa pagbabalik ni Clyde.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomantizmA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...