Chapter 41: Unmeasurable Gift

325 69 0
                                    

"Kapag may nawawala, may dumarating."

------------------------xx

ALAISA POV

NANANAGINIP ba ako? Totoo bang siya na ang nakikita ko sa harapan ko. Kasi ayoko pang mabaliw, baka naghahalukinasyon lang ako.

Tinotoo na nga talaga ng Diyos ang aking hiling. Noong una, hindi ko alam ang mga sasambitin ko, nanatili akong nakaluhod pero noong nagtagal, unti-unting bumuka ang bibig ko.

"M.....m......m.....mommy?" Tulo-luha kong sabi. Dahan-dahan nitong itinaas ang ulo niya at lumingon ito sa akin. Mula sa mga mata naming parehong kayumanggi ang kulay, ang aming ilong na matatangos at sa aming labi na mapupula, masasabi kong mommy ko yun.

"A.....A....Anak! Ikaw ba talaga 'tong nakikita ko? Alaisa." Hindi nga ako bulag, hindi ako baliw, hindi ito isang halukinasyon, si mommy ang nakikita ko ngayon sa harap ko.

Hinawakan niya ang pisngi kong punong-puno ng luha. Dahil sa hindi mapigil kong emosyon, niyakap ko si mommy ng pagkahigpit-higpit.

"M...mommy, akala ko di ka na babalik. Akala ko di na kita makakasama. Mommy, salamat po at binalikan niyo ko. Salamat po at sa wakas, mayroon nang susuporta uli sa akin. Mommy I'm sorry kasi naging duwag ako, hindi ako naging palaban. Nakalimutan ko ang mga tagubilin mo sa akin. Mommy, mahal na mahal po kita." Nagbalik nanaman ang mga alaala ng nakaraan. Ang inakala kong imposible ay naging posible. Posible dahil nagkamali ako sa kanila. Palaging negatibo ang nasa isip ko kaya hindi ko mahanap sa sarili ko ang mga pagkakamali. Muli kong naramdaman ang yakap ng isang ina sa kanyang anak. Ang napakatagal kong hinintay ng napakatagal na panahon.

"Me too, Alaisa. Huwag ka nang umiyak, nandito na ako. I'm sorry kung napakatagal ng pagbabalik ko. I swear to God anak, totoo yon at hindi ko alam kung anong gagawin ko ng anim na taon na wala ka sa akin. Inisip ko, kamusta ka na kaya, sinong nag-aalaga sa'yo, nakakaluwag ka ba sa buhay. Lahat yun anak, kaya nagpapasalamat ako sa Diyos na muli tayong nagkita." Hagod-hagod niya pa din ang likod ko, hindi ko pa ring maiwasang umiyak sa saya sa mga nangyayari ngayon. Ito na ang regalong hindi mapapantayan ng lahat, ang pinakamagandang regalo ko ngayong pasko.

Tama nga sila, kapag may umaalis, may dumarating. At napatunayan iyon ng mga nangyari ngayon.

"Mommy, hindi niyo po kailangang mag-sorry. Ang mahalaga nandito na po kayo at isang napakalaking regalo na po iyon na aking natanggap. Mommy, hindi mo alam kung gaano po ako kasaya ngayon." Nakaharap na uli ako kay mommy. Wala pang masyadong tao kaya hindi naman masyadong nakaagaw-eksena ang muli naming pagtatagpo ni mommy.

"Anak, hindi mo rin kailangang mag-sorry na naging duwag ka, ganoon talaga ang buhay eh. Anak, bumalik ako dito sa Pinas para hanapin ka. Ako talaga dapat ang mag-sorry. Pasensiya anak na hindi kita inuna, mas napagtuunan ko ng pansin ang pangarap natin, yung makapagtayo ng isang restaurant. Anak, kasama kita sa pagbubuo ng bawat piraso ng mga iyon at ang bawat pirasong iyon ang mga alaala nating dalawa. Kahit magpakasirang-plaka pa ako ngayon sa harapan mo anak wala na akong pakialam kasi napakatagal mo akong hinintay." Nakangiti pa din ako ngayon kay mommy. Parang ayoko nang ialis ang mga mukha ko sa kanya baka kasi sa isang iglap, isa lang iyong hangin.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now