Chapter 45: Two As One

168 70 3
                                    

"I can't believe that they are two as one." Alaisa Robles

--------------------xx

ALAISA POV

INIAYOS namin sa lamesa lahat ng mga pinamili namin. Napakarami nito kung kaya't nagbalik na ang mga maids namin.

Iilan lamang sila. Sila Aling Sitang, Maring at Helena, yung tatlong napakasipag naming mga maids.

"Ma'am Celia!" Sabay-sabay nilang pagsalubong sa mommy ko.

"Ay! Nandito na pala ang mga nagsisigandahan at ang mga masisipag kong mga amiga. Welcome back!" Pagbalik ng salubong ni mommy sa kanila. Beso-beso sila na parang magkakaibigan. Ang saya kasi ng isang tahanan kung lahat nagtuturingan bilang isang pamilya.

"Puwede po ba naming mabati ang inyo pong nagbalik na anak?"

"Oo naman. Go ahead." Actually nga, kanina ko pa silang gustong batiin.

"Hi po, Ms. Alaisa, ang ganda-ganda naman po. Tisay, makinis, singkit kaya huwag ka na lang tumawa baka po kasi mapagkamalan na kayong walang mata, at tsaka po ang tangos-tangos ng ilong niyo po. Sana all meron! I wish." Magandang paglalarawang sabi ni Aling Sitang sa akin.

"Hay naku mare! Tama ka sa term mo, wish, kasi kung hope yan, puwede pa ding mangyari yun. Sa wish kasi, alam mo yun, may mga bagay na gusto mong maabot, yun nga lang puwedeng hindi naman matupad." Ani Aling Maring.

"Oo nga, tama si Maring. Kaya huwag na tayong umasang magiging kamukha tayo ni Ma'am Alaisa." Ani Aling Helena. Tawanan ang namuo sa bawat sulok ng bahay. Nakakabawas ng problema silang tatlo, ang saya-saya lang isipin at ramdamin.

"Ma'am, tutulungan na po namin kayo diyan, para maging handa na ang media noche mamaya, lalo na po sa mga special visitors. Lalo na po yung magaling din po magluto ma'am, yung lagi niyo pong kasama. Guwapo-guwapo po non, kung may tsansa lang sana." Umasim ang mukha ng dalawa naming maids at hinampas siya sa balikat.

Guwapo? Nako, manloloko 'yan.

"Hoy Sitang, ayos-ayos din ng isip ah. Tandaan mo, wala ka sa fantasy world, nasa reality ka kaya huwag kang mag-feeling na 20 years of age ka lang." Ani Aling Helena. Napatawa na lang ako ng palihim. Muntikan ko na tuloy mabitawan yung hawak ko.

"Oo nga, Sitang. Tanda-tanda na, may anak ka na uy, kaya huwag ka nang umastang parang bata. Hayaan mo na yan sa mga Team Z Generation. Alam mo, mas bagay sila ni Ma'am Alaisa. Perfect match sila." Tumingin sila sa akin na ang mga tingin ay isang parang kumikilatis ng isang tao. Mga komedyante nga itong mga 'to. Dahil sa mga mukha nila, muntik nanaman akong masamid.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now