ALAISA POV
MATAAS pa din ang kumpiyansa ni mommy samantalang sa Tita Denise, baligtad na baligtad kay mommy.
Ito na talaga ang kailangan para matuldukan na lahat at alam kong nabigla din ang nanay ni Janna.
"HINDI NIYO PUWEDENG GAWIN SA'KIN ITO. TSAKA, PAANO NIYO NALAMANG NANDITO KAMI. MAY NAGSABI BA SA INYO?" Nang tinanong niya iyon, ako ang lumapit sa kanya. Alam kong nag-aalala si Janna sa mga posibleng mangyari sa kanya pero ginamit ko ang mata ko upang iparating sa kanya na magiging mabuti lang siya.
"Kung may nagsabi man PO, ginawa niya lang ang tama. Nakita niya na talaga sa sarili niya ang tama, kahit na alam niyang may mawawala sa kanya. At ipinagmamalaki ko ang taong iyon dahil kahit pumapaibabaw ang pagihing tunay na estado niya sa pagitan ng isa, ginawa niya iyon dahil mahal ka niya. Siguro naman sapat na po ang mga nasabi ko tungkol sa kung sino ang nagsabi." Bigla itong napalingon kay Janna. Mukhang nalaman niya na ang kasagutan.
"Janna, ikaw? Ikaw ang may kagagawan nito? IKAW ANG NAGSABI SA KANILA? HAH?" May nagbadyang mga luha na tumulo sa kanya at hindi niya ito napigilan. Alam kong anak siya at nasasaktan din siya sa ginawa niya.
"Mommy, wala ka na sa tama. Masakit sa'kin mommy ang mga nangyayari sa'yo ngayon, pero alam kong ito ang tama. Mommy, sana maintindihan mo po." Gaya ng inaasahan ko, alam kong magagalit ito sa kanya.
"Ikaw? Ikaw ang may gawa! NAPAKAWALANGHIYA MO! MAINTINDIHAN? ANONG DAPAT KONG MAINTINDIHAN, NA GINAGAWA MO 'TO PARA SA IKABUBUTI NG LAHAT? GINAGAWA MO 'TO PARA SA'KIN DAHIL MAHAL MO AKO? WALA AKONG PAGMAMAHAL NA NAKITA SA MGA GINAWA MO. Wala akong anak na gagawa sa'kin non! Kaya sa mga nangyari ngayon, kalimutan mong naging nanay mo ako at kakalimutan kong ikaw ang naging anak ko, dahil simula din ngayon, wala na akong anak!" Masyadong masakit ang mga nasabi ni Tita Denise lalo pa't pati ako, naramdaman ko kung gaano kalaki ang galit niya kay Janna. Tumulo ang ilang mga maiinit na likido mula sa mga mata ko, lalong-lalo na kay Janna na tumatangis ng maigi. Isinakay na ang mommy niya sa police car habang nakaposas.
Gusto ko siyang yakapin sa mga pagkakataong ito, at iyon ang nagawa ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi mahalaga kung gaano pa karami ang mga nagawa niyang kasalanan. Hindi naman kasi basehan ang bigat ng kasalanan kung sino ang mauuna sa amin. Hindi ko pa ring mapigilang manukal ang mga luha ko sa mata, dahil ngayon muli kong nayakap ang taong sa akin ay naging pangalawa kong ina.
"I'm sorry Alaisa! I'm so sorry. Hindi ko naipaibabaw ang pagkakaibigan natin yung mga panahong kailangan mo ng ganoon. Napakadami kong pagkukulang sa'yo bilang kaibigan mo. I'm so sorry. Na-miss ko'to, na-miss kita." Paghingi niya ng tawad sa akin na ikinaligaya ko habang umiiyak pa din. Hinagod-hagod ko ang likod niya para kumalma siya.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...