Chapter 42: Memorable Christmas

315 68 0
                                        

ALAISA POV

NAKITA ko ang sarili kong nakatapak sa pula. Unti-unti kong iniangat ang ulo ko. Red carpet ang tinatapakan ko.

Tumingin ako sa gilid, nakita ko ang samo't-saring mga bulaklak sa bawat upuan ng silid na ito.

At sa harap, nakatanaw ako ng isang lalaking nakatayo, nakapormal na damit at tuwid ang kanyang postura.

"Nasan ako?" Tugon ko sa sarili ko. Pero hindi ko nakikita ang mukha ng lalaki. Sa aking sariling pagkakalarawan, tingin ko, isa siyang binata.

Naglakad-lakad na nga ako. Nakita ko ang mga kaklase ko ngayon, napansin ko rin sila Janna na nakangiti sa akin, kasama na ang nanay niya.

Teka, ano ba talagang nangyayari. Lumakad pa ako ng ilang mga hakbang at ngayon ko lang namalayan na nakawedding gown ako. Nakita kong tumayo si Janna at tinulungan ako sa pag-aayos nito.

"Tulungan na kita bes, kailangan pa talaga ng tulong ko eh." Inayos niya ang laylayan nito at inilapag sa sahig sa may likod ko. "Ayan, okay na. You look beautiful Alaisa. Kailangan pa ba kitang alalayan sa paglalakad?" Nagtataka lang ako, bakit parang ang bait ni Janna ss akin, ang paligid, yung mga tao, lalo na sa harapan.

"Janna, galit ka pa ba sa akin? Diba galit ka sa akin?" Hinawakan ko ang mukha niya para malaman ko kung totoo ba talaga ito. Nahawakan ko talaga siya. Inalis niya ang kamay ko sa kamay niya.

"Ano ba yang pinagsasasabi mo. Okay tayo, diba hindi ako magsasawa sayo. Nandito lang ako. Tsaka, maliban diyan sa harapan na lalaking nakikita mo, may naghahanap pa sa'yo." Nanatiling palaisipan sa akin ang sinabi niya. Ngumiti ito sa akin at bumalik sa upuan niya.

Wala talaga akong natatandaan na ganito. Lumakad na uli ako ng marahan. Bigla nanaman akong nakarinig ng boses.

"Alaisa anak?" Si mommy ito.

"Mommy." Niyakap ko siya ng isang kamay lang dahil may hawak siyang sanggol. At sino naman yung sanggol na iyan.

"Mommy, bakit po kayo may hawak na baby? Tsaka bakit po ako nakawedding gown, bakit ako nasa simbahan, at bakit may lalaki sa harapan na hindi ko naman po makita ang mukha." Kaunti na lang talaga, sasabog na ako.

"Alaisa, kasal mo 'to. Diba matagal mo nang gustong mapangarap yung forever mo. Tsaka yung hawak ko, anak niyo ito ni ......... kaya pumunta ka na doon." Hindi ko narinig kung ano yung binanggit ni mommy na tao. Narinig ko kasi ang bell na kumalembang.

"Mommy sino po ulit?"

"Anak niyo ito ni ..........." Pero sa pananaw ko, ang labi niya'y dumiretso, bumilog at umusli ang dila sa huli. Sino yung binabanggit niya. Basta, wala akong anak dahil wala naman talaga.

Hanggang sa.............

"Anak? Baby?" Nakarinig ako ng boses at iyon ay walang iba kundi ang.....

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now