NIKKO POV
"NIKKOOOOO!" Narinig ko mula sa kanya iyon at bigla-bigla na lang niya akong niyakap na may kasamang paglakad ng mabilis kung kaya't napahiga kami parehas sa daan.
Magkayakap kami habang nakatihaya sa daan at napakalapit ng mukha namin sa isa't-isa.
"Okay ka lang?" Tanong niya na may pag-aalala.
"No worries, I'm okay. Thanks for saving me!" Sabi ko sa kanya.
Tumayo na din kaming dalawa pagkatapos at pinagpag ang mga dumi sa mga damit namin.
Pumunta na din sa amin yung tatlo.
"Huy, okay lang kayong dalawa?" Tanong sa amin ni Janna.
"YEAH YEAH, WE'RE FINE." Aksidenteng sabay naming sambit.
"Talagang sabay pa hah? Accident nga ang nangyari. Anyway, mabuti na lang at okay kayo." Ani Myrna. Kinamusta ko naman ngayon si Alaisa.
"Alaisa, you okay?"
"No worries also, I'm okay! Just next time, you'll be careful when you're crossing the road." Pagpapaalala niya sa akin na ikinangiti ko naman.
Ang sarap sa pakiramdam na yung taong mahal ko, siya ang gumawa ng paraan para hindi ako mapahamak kahit na alam kong, may galit pa siya sa akin ng kaunti.
Hindi niya pa ring maiwasang mapatingin sa akin, baka siguro may napapansin kaya nagtanong ako.
"What is it?" Tanong ko.
Itinalikod niya ako at tiningnan ang siko ko.
"May sugat ka!" Tiningnan ko din ang siko at nang matingnan ito, may sugat nga! Pero hindi naman ito masakit.
"No, it's okay. I can handle it. Thank you for noticing me." Ngumiti lang ito pero agad ding napalitan ng seryosong mukha.
"Hindi hindi, kailangang gamutin 'yang sugat mo. Alam mo kasi, kahit maliit pa 'yang sugat mo, puwede pa ding lumala 'yan, kapag hindi nagamot." Sa tingin ko'y pinaringgan niya ako sa mga sinambit niya, ganoon din kasi ang nangyari sa kanya noong mga panahong iniwan ko siya. "Kaya sumama ka muna sa akin sa bahay, para magamot 'yang sugat mo." Dugtong niya. Isang maliit na ngiti naman ang kumawala sa mga labi ko.
"Oh, so ano? Di pa tayo aalis dito. Baka mamaya, sitahin na tayo dito!" Biglang pagsingit ni Myrna. Tumawa na lamang ang lahat.
"Myrna, kahit kailan talaga, pambasag ka ng moment." Mabuti na lang at naglinis ako ng tainga dahil nadinig ko ang mga sinabi ni Alaisa.
Lumigaya ang kaloob-looban ko at tila ba'y sapat na ang ligayang naramdaman ko sa sugat na nasa siko ko.
"What moment Alaisa?" Singit kong tanong na agad na nakapagpagulat sa kanya.
"Wala, wala!!! Mabuti pa't sumama ka na lang sa akin sa bahay, gagamutin ko 'yang sugat mo."

YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...