February 14, 2019
ALAISA POV
ANG ARAW na kinabubuwisitan ko sa lahat ay ito na. Nabuwisit kaagad ako pagbangon ko pa lang.
Binilisan ko lang ang pagkilos hanggang sa makarating na sa school. Labas pa lang ng gate, kitang-kita na ang mga nagtitinda ng mga flowers, hearts, at kung ano-ano pang nakakasukang ang sarap isabotahe. Ang mga magjojowa na ang sarap sipain, suntukin, pakainin ng paminta, ng ampalaya at ang sarap patayin.
Nanggigigil ako!
May mga magkasamang sobra ang kalandian. Halik doon, halik dito. Hawak dito, hawak doon. Lumayas na lang ako para hindi tuluyang mabad-trip ang araw ko.
Pagkapasok ko naman, may booth naman ang school namin, photo booth ng mga mahahaliparot na mga couples.
At ang mas nakakainis pa dito, yung mga hearts na nakadisplay sa likod, pashala-shala pa, ang sarap namang sirain, o di naman kaya'y kulayan ng itim.
Ngayon, bad trip na talaga ang araw ko. Inirap-irapan ko lang ang mga iyon. Habang naglalakad naman sa corridor, kitang-kita pa din ang iba na nagbibigayan ng chocolates, ng mga flowers na akala mo naman ang mamahal, sampung piso lang naman sa labas. Meron din namang mga seryosong couples na kinakantahan ang mga mahal nila sa buhay, inaalayan ng tula o di naman kaya'y spoken poetry.
Humarurot na ko papuntang room at pagpunta ko namang room, sinalubong kaagad ako ng apat at muntikan ng bumati sa akin ng ayaw kong marinig. Mabuti na lang at naputol ko.
"Bestie, happy va-----" Pinutol ko ang sinabi ni Myrna.
"Huwag mo nang ituloy kung anong sasabihin mo. Padaanin niyo muna ako." Mataray kong sabi.
"Taray naman ni bes. Huwag ganyan! Ngayon yung black heart g-----" Pinutol ko ulit.
"Oo, oo, alam ko na 'yan. Bahala na siya sa buhay niya. Sunduin niya ko, then bahala siya. Bahala na ko sa istilo ng pananamit ko mamaya. Ang mahalaga ngayon, yung maasikaso yung OJT. Huwag kayo puro ganyan, ang dami-dami ko pang iniisip." Pangtapal kong sabi sa mga sinabi nila.
"Hala siya! Wala namang klase ngayon. Kaya mag relax-relax muna tayo. Alam ko namang bukas na 'yan pero ngayon, mag-enjoy muna tayo hangga't may natitira pang oras para mag-enjoy. Bukas kasi, wala na 'yan." Dinedemonyo nanaman ako nitong mga 'to. Yung kahit na totoo yung impormasyon na inilahad nila, tingin ko dinedemonyo pa din nila ako. Parang nagiging dare yung truth.
"Edi wow kung ganoon. Wala rin akong pakialam kung walang klase ngayon. Puwede ba, lumayas muna kayong tatlo." Hindi nila ako pinansin. Malamang, alam ko namang napakanon-sense ng sinabi ko. Sumuko na din ako sa huli. "Sige na, oh! Anong gagawin?" At kung ano-ano nang pinaggagawa namin doon sa classroom.
YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...