JANNA POV
RISE AND SHINE, isang panibagong araw nanaman. Di pa rin talaga maalis sa isip ko ang mga nangyari noong Biyernes. Kung gaano kami kasaya, kaharot at kung gaano namin mas pinaigting ang friendship namin. Yung ekspresyon sa mukha ni Clyde, ang mga pambabara namin sa sinasabi ng iba, at ang mga kasiyahan namin.
Maaga pa pala, 4:30 ako ng umaga nagising at alam kong hindi na ko makakatulog ng ayos. Bumangon na ko at nagtimpla na ng gatas. Siyempre, dapat maalaga din sa mga inumin, hindi ako nagkakape. Bear Brand Adult ang gatas ko at hindi na ko nag-abala pang gisingin ang mga maids, may sarili naman akong paa at kamay kaya kahit may mga katulong kami, nakilos pa rin ako. I'm not that 101% Certified Senorita, nagkakaubusan na nga kami ng pera, tatamad-tamad pa.
Pero ngayon, good news na kasi unti-unti na uling umuusbong ang negosyo nina mommy. Marami na silang mga client na gustong mag-invest sa kanila. What a life? Bilog nga talaga ang mundo.
Pagkatapos kong uminom ng gatas, naligo na ako at nagbihis. Ganoon ang format ko, breakfast muna bago ligo.
Mabilis lang naman ako kumilos kaya mga 4:50, nakaalis na ako ng bahay. Buti may bus na, sumakay na ako at mga 5:15 na akong nakarating ng school. Buti walang guards kaya malaya akong makakapaglabas ng cellphone. Tatawagan ko si Alaisa para malaman kung ano gawa nang taong yun.
Calling: BesKo
"The subscriber cannot be reach, please try again later." Ang tanging natamo ko sa tawag. Hala, cannot be reach. Tinawagan ko uli siya ngunit ganoon din ang nareceive ko, cannot be reach. Nagpunta na nga ako ng room nang makita kong bukas ang room pati ang ilaw. For sure, nandiyan na yun.
Nang pumasok naman ako, nabigla na lang ako sa nakita ko.
ZACH POV
MALINIS ang lahat, buti na lang naging okay ang act, walang witnesses lalong-lalo na ng dumating si Janna.
"Zach, nandito ka na pala. Nasaan si Alaisa?" bigla akong pinagpawisan sa tanong niya. Ano kayang palusot ang gagawin ko.
"Si Alaisa, wala pa. Wala nga siyang text o tawag eh, kanina ko pa tinatawagan. Baka tulog pa."
"E diba nasa kanya yung susi. Paanong nangyaring wala siya dito?"
"Actually, papunta na ko sa parteng yon. Noong Friday kasi, sa akin niya binigay yung susi baka daw kasi malate siya ngayon kasi daw ang dami niya pang rereview-hin."
"Ang pagkakaalam ko walang mga pagsusulit na magaganap ngayong araw. Performance meron pero interview lang naman yon sa ibang grade level." Di maubusan ng alibi 'tong babaeng ito. Ano pa bang gagawin ko para di ako mahanapan ng butas.
"May mga hahabulin pa siyang mga quizzes. Noong Friday diba, nag-ikot siya buong araw."
"Ay, oo nga pala. Sige, lalabas muna ako. Bibili pa ko ng bond paper. Pakibantayan na lang yung bag ko. Kapag nandito na si Alaisa, sabihin mo kaagad sa akin okay?"

YOU ARE READING
Forever: Is It True?
RomanceA story about a girl who discriminate love for she is always getting hurt. But one day, one of those guy who hurt her will be her one and only FOREVER. Will she be able to find him? ----- Maraming-maraming salamat po sa patuloy niyong pagsuporta sa...