Chapter 14: Friendship Spirit

205 69 0
                                    

ALAISA POV

HINILA niya ko papunta doon sa isang masikip na kuwarto, yung tipong di ako makakahinga. Ayoko ng ganito. Sumigaw ako ng sumigaw.


"Ano ba? BITIWAN MO KO. BITIWAN MO... TULONG!! TULONG, SINO BANG NANDIYAN? MGA PULIS." Mahigpit talaga ang pagkakahawak niya kung kaya't di ako makaalis sa mga kamay niya.


Hanggang sa pinasok niya na nga ako sa isang madilim, nakakasuka at masikip na kuwarto na kung saan parang bodega na walang sinumang mabubuhay sa loob. Basta niya na lang ako pinasok doon, ano na bang nangyayari sa kanya. Di niya na alam ang ginagawa niya.

Nagdadrugs ba to? Muli akong sumigaw.


"ILABAS MO KO DITO!! HOY!! HAYOP KO TALAGA, ADIK!" Tanging panalalangin na lang ang natitirang pag-asa sa akin.


"Ayan ka nanaman, diba sabi ko sayo, huwag kang magmamatapang, di ka ba talaga nakakaintindi hah. Kanina, ayaw mong kumain, pangalawa, ayaw mong dugtungan ko yung nangyari kanina tapos ngayon, ikukulong ka na nga lang diyan, ayaw mo pa. Ayaw mo non, di muna makikita ang mukhang ito, di mo na ako maririnig, wala nang gugulo sa'yo diyan. Kaya bye bye, wifey. Sana makita ka pa nilang buhay diyan." Di ko na pinansin ang mga sinabi niya. Ang mahalaga, kung paano ako makakalabas dito.



Bago pa man niya isarado ang pinto, may nakita akong tao sa likod niya. Medyo di ko na rin siya masyadong maaninag pero alam kong meron talaga.



JANNA POV

NAGSIMULA ang mga pulis sa pagtawag sa pangalan ng kidnapper na iyon.



"Mr. ANDY PEREZ, kung naririnig mo kami ngayon, mabuti nang sumuko ka na at sumama ka na sa amin. Huwag mo nang idamay ang dalaga, hindi ka naman namin mapapahamak." Hanggang sa nagpakita sa amin si Andy sa ikalawang palapag sa may tapat ng bintana.



"BAKIT? SA TINGIN NIYO BA, GANON GANON NA LANG YON. MARAMING UTANG SA AKIN ANG BABAENG TO." Bigla niyang inilabas si Alaisa na nakatutok ang kutsilyo sa leeg niya. "KAYA KUNG AYAW NIYONG MAPAHAMAK ANG BABAENG TO, UMALIS NA LANG KAYO." Sandaling tumahimik ang paligid, muli niyang ipinagpatuloy ang mga salita niya. "SO GUSTO NIYO NGA, WELL, MADALI NAMAN AKONG KAUSAP, ISA, DALAWA............ TAT...."



Nagsalita ako bigla.



"TAMA NAAAAA, ANDY. PLEASE NAMAN, PAKAWALAN MO NA SIYA. PANGAKO, AALIS ANG MGA PULIS DITO. PAKAWALAN MO LANG SIYA, PLEASE. DI KA NAMIN IPAPAHULI. MALAYA KANG MAKAKATAKAS." Ganoon na lamang ang mga lumalabas sa bibig ko. Para bang gusto kong patakasin na lang ang taong yun kaysa mapatay niya pa ang kaibigan ko.



Forever: Is It True?Where stories live. Discover now