Chapter 44: Fiery Clash

256 67 0
                                    

"Hindi na ako yung tangang Alaisa na nakilala mo, yung nagsilbing upuan lamang sa'yo." - Alaisa Robles

------------------xx

MOMMY CELIA POV

TATLUMPU'T MINUTO na ang nakakalipas ngunit hindi pa din bumabalik si Alaisa. Malapit na ako sa may counter pero hindi pa rin siya bumabalik.

"Ma'am it's your turn." Tawag sa akin ng cashier lady. Kaya yung iba ipinabarcode reader ko na. Marami-rami naman ito kaya magiging matagal din ang packaging. Tapos nang malapit nang maubos ang mga produktong pinamili namin, ay siyang pagdating ng anak ko.

"O, anak. Saan ka ba napadpad? Tagal-tagal mo. Malapit lang naman ang condiments." Para siyang isang asong hingal na hingal na parang may naghahabol sa kanya. "Anak, bat ba hingal na hingal ka? Punasan mo yung noo mo." Tapos binigay ko sa kanya ang baon kong lampin at ipinamunas iyon sa noo niya.

"I'm sorry kung natagalan po. Kukulit po kasi ng mga tao sa paligid." Medyo sarkastiko ang tono ng boses niya pero binalewala ko na lang.

"Ganon ba? O amin na yang pinakuha ko sa'yo, para mailagay na doon sa box." Binigay niya yung toyo't suka sa akin. Inimpake ng nag-aasikaso ang mga produkto at dinala na ang cart.

Nagtungo na kami ng parking lot at binuksan ang likuran ng kotse. Inilagay namin ang box na naglalaman ng mga grocery items.

Nang isasarado na namin ito, bigla kaming nagulat sa hindi inaasahan ng mga nakita ng mata namin.

"Celia!" Kinakabahang banggit ni Denise sa pangalan ko. Hindi ko alam kung anong ibubuga ko sa harapan niya. Mabuti na lang at sinalo ako ng anak ko, naramdaman niya sigurong hanggang ngayon, galit at sakit pa din ang nararamdaman ko sa kanya.

"Opo, siya nga po. Ang babaeng walang-awa niyong dinispatsa ng dahil sa nangibabaw mong kasakiman. Siguro naman naaalala mo pa ang mga nangyari." Walang nasambit si Denise sa mga nabanggit ng anak ko. Yung anak niya naman, ang sama-sama ng tingin sa anak ko.

"O bakit Janna. Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Bakit hindi mo tanungin niyang demonyo mong nanay sa ginawa niya sa nanay ko? Nagulat ka, kayo na buhay pa siya? Puwes huwag kayong magulat, dahil sa mga iniisip mo PONG patay na ang mommy ko. Nagkakamali ka! Bakit pa nga ba ako magtataka? E kahit nga sa anak mo PO nagawa niyo yan eh. Nilason mo ang utak niya kung kaya't ganyan-ganyan na lang ang pagtrato niya sa akin. Siguro nga iniisip niyo na napakakompidensiyada't napakayabang ko ngayon, pero sinasabi ko lamang ang totoo." Kita pa din sa mukha ni Denise ang kaba at pangamba, kabaligtaran sa anak niyang si Janna na punong-puno ng galit.

Forever: Is It True?Where stories live. Discover now