Jane's Pov:
"Nak! Nak gising na! Andyan na si Kaykay sa baba. Kanina ka pa inaantay", naririnig ko na sinasabi ni mama sa panaginip ko.
Antok na antok talaga ko kaya imbes na bumangon, tinalukuran ko si mama.
"Jane gising na ha! Male late ka na sa school!", sabi nya ulet at hinirap yung katawan ko sa kanya.
"Anong oras na po ba ma?", sabi ko habang naghihikab at kinukusot ang mata.
"7:30 na".
"Ano po?!", napatayo ako bigla at dali daling kinuha ang towel ko sa likod ng pintuan.
"Maliligo na po ko ma", sabi ko habang pababa ng hagdan.
"Sige bilisan mo".
Pagbaba ko nakita ko si Kiry na nakaupo sa sala.
"Wait lang ah! 10 minutes!", sabi ko sa kanya at tumakbo ko papuntang cr.
Pagpasok ko sa cr agad kong tinanggal ang damit ko at nagbuhos nang nagbuhos.
Di ako magkanda ugaga sa pagmamadali. Feeling ko nga di na maayos yung ligo ko eh.
Pagkalipas ng mga 8 minuto, lumabas na ko sa cr ng nakatwalya at bitbit ko ang hinubad kong damit.
Sumenyas ako kay Kiry ng sandali at dali daling umakyat.
Pagkaakyat ko, nakita kong maayos na ang higaan ko. Malamang inayos toh ni mama.
Kaya naman nagbihis na agad ako. Kinuha ko na yung bag at salamin ko tsaka bumaba.
"Oh bilisan mo na Jane kumain ka na dito", sabi ni mama.
"Hindi na po ma. Late na po kami eh", sabi ko habang nagsusuklay gamit ang kamay ko.
"Eh walang laman yang tyan mo. Anong matututunan mo nyan?", sabi nya ulet.
"Kaykay, ok lang ba sayo kung kakain muna si Jengjeng ko?", tanong ni mama kay Kiry.
"O-okay lang naman po tita", sagot nya pero alam kong galing sa ilong yun kase male late na talaga kami.
"Ok lang daw. Sige na, kain na muna kayo parehas".
"Hay naku ma. Naniwala ka naman dyan. Mamaya sisihin pa ko nyan pag nalate kami. Dun na lang po ko sa school kakain".
"Sige na. Baka mamaya ako pa sisihin mo pag pumayat ka? Alam ko namang marami kang dragon na alaga dyan?", pang iinis nya.
Sinamaan ko lang sya ng tingin at tumawa si mama.
"Hay nako, kayo talagang dalawa. Sige eto na lang baon mo kainin mo sa room nyo mamaya pag wala pa yung teacher mo. Tas eto, bili ka na lang ng lunch at snacks mo ha?", inabot nya saken yung 100.
"Opo. Thank you ma", sabi ko habang nagsasapatos.
"Si Jean po ma? Pumasok na?", tanong ko habang inaayos yung gamit ko.
"Oo. Maaga daw sila ngayon eh".
"Ahhh... Sige po ma, alis na po kami. Babay! Labyu!", sabi ko tas kiniss ko sya sa pisngi.
![](https://img.wattpad.com/cover/185689887-288-k241888.jpg)
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Genç KurguAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...