Jane's Pov:
Matapos kong yakapin si Kiry ay bumalik ako sa pwesto ko at muling tumingin sa langit. Kalmado naman ang puso ko at payapa ang utak ko hanggang sa may sinabi sya na nagpabago sa ihip ng hangin.
"M- may... may partner ka na ba?".
*dugdug* *dugdug* *dugdug*
Napatingin ako sa kanya.
"May partner na ba kayo ni Kim?".
"Ahh... Kami ni Kim? W-wala pa... Ako wala pa... Pero si Kim meron na", nasabi ko.
Mukhang gulat na gulat sya sa sinabi ko. Ano bang nakakagulat sa sinabi ko? Mukhang naguguluhan sya. Bat ganon ang reaksyon nya?
Gusto ko sanang tanungin kung may partner na ba sya pero di ko magawa. Pano kung wala pa? Edi kami na lang? Pano ko ba sasabihin? Bat napipipi ako?!
"Bakit?", bigla nyang natanong.
"Ha? Anong bakit?", naguguluhan kong tanong.
"Ibig kong sabihin, bakit wala ka pang partner? Tapos si Kim meron na".
Eh ano naman? Bakit? Masaba ba yun? So ibig sabihin gusto mo palang magkapartner na ko? Bat kaya di mo ko alukin diba? Kaines toh! HAHAHAHA! Pero as if namang mangyari yun. Tssss!
"Eh kase nga kanina... si Jake!", yamot kong sabi.
"Oh?", tanong nya. Parang gustong gustong malaman ahh.
"May nangyare kase kanina".
"Ano nga yun?".
"Kase diba pumunta kami kila Benidict para sana ibigay sa kanya yung ginawa nating graham cake. Tas hindi nya tinanggap. Tas dumating si Jake-".
"Kanina mo pa sinasabi yan. Paulit ulit".
Psh! Di kita kwentuhan dyan eh.
"Edi wag na!".
"Tuloy mo na! Dumating si Jake tapos??".
"Ganito kase nangyare.....
----------------------- FLASHBACK-------------------
Pagbaba namin sa ground, nakasalubong namin si Jake. Nakabag pa nga sya non eh. Kala namin magka cutting sya. Tas lumapit sya samin.
"Hahahaha! Ang pangit mo pala talaga noh? Tas umiyak ka pa, edi lalo kang pumangit", pang aasar nya kay Kim nang mapansing umiiyak ito.
"Shht! Parang tanga toh. Kita ng umiiyak eh", sabi ko.
"Eh bakit nga? Bat ba toh umiiyak?".
"Pwede ba... wag ngayon, Jake?", pahikbing sabi ni Kim.
"Ahh alam ko na.. Si Benidict na naman noh? Bat kase pinagpipilitan mo yang sarili mo sa kanya? Di mo ba makitang hindi ka nya-", hindi nya natapos ang sinasabi nya dahil napataas ang boses ni Kim nang magsalita ito.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Fiksyen RemajaAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...
