Jane's Pov:
Today is Saturday, alas otso ng umaga. Nakatayo ako sa may pintuan namin. You know why? Inaantay ko ang magaling na si Kim.
Pupunta daw kasi sya dito sa bahay para ayusan ako bago ang practice namin. Meron kasi kaming practice para sa role play ngayon eh. Mamayang alas nwebe.
Sabi ni Kim, 7:30 palang daw nandito na sya kasi marami daw syang gagawin sakin. Eh kumusta naman? Alas otso.
Hindi pa naman ako pwedeng malate kasi una sa lahat ako yung bidang babae dun. Tsaka kasabay ko si Kiry papunta dun.
Pero sabi nya wag daw akong sumabay. Kami daw sabay. Kasi nga daw para ma surprise sya sa itsura ko mamaya. Andaming alam noh?
Siguro nagtataka kayo kung bakit pa nya ko aayusan eh magpapractice lang naman kami. Ganto kasi yon...
----------------------- FLASHBACK-------------------
Naglalakad na kami noon ni Kim papuntang canteen nang makasalubong namin si Kiry sa ground floor. Magsosoli daw sya ng libro sa library.
Nung una ay naglakad na kami ni Kim patungo sa pupuntahan namin pero hinila nya ko para sundan si Kiry.
Nakita namin na nag uusap sina Jonah at Kiry sa library. Hindi ko alam ang pinag uusapan nila pero mukhang masaya silang nag uusap.
Matapos iyon ay dumiretso na kami ni Kim sa canteen.
"Tsk tsk tsk! Pabagal bagal ka kasi!", sabi nya matapos makuha ang binili.
"Ano bang pinagsasasabi mo?", sabi ko sa kanya.
"Kunwari ka pa! Ano? Hindi ka nagselos? Wala kang naramadaman na sakit?", sabi naman nya.
"Bakit? Nag uusap lang naman sila ah... Tsaka bat naman ako magseselos?", tanong ko naman.
"Tssss... Ayaw pa kasing aminin sa sarili eh".
Matapos iyon ay umakyat na kami. After ng ilang mga minuto ay uwian na namin kaya naman bumaba na kami ni Kim daladala ang bags namin.
Nakita kami ni Kiry habang tumatakbo sya. Papunta dapat sya sa building namin pero dumiretso sya sa kinaroroonan namin ni Kim.
"Uwi na ba tayo?", tanong ko kay Kiry.
"Actually, yan nga sana sasabihin ko eh. Di ako makakasabay sayo umuwi ngayon, sorry", sagot naman nya.
"Ha? Baket?".
"May pupuntahan pa kasi ako eh".
"Edi hintayin na kita", alok ko.
"Ahh wag na! Kasama ko kasi Jonah ngayon eh. Jeng, hindi ka maniniwala kung ano nangyari sakin ngayong araw! Kukwento ko sayo bukas. Sige una na ko ha", masaya nyang sinabi sakin at umalis agad. Hindi man lang nya ako hinayaan pang makapagsalita.
Napatingin ako pababa at ewan. Parang nawala ako sa mood. Di ko alam kung malungkot ba ko o naiinis sa kanya.
Napakamot na lang ako sa ulo ko at napabuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Ficção AdolescenteAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...