Chapter 74: Moving Up

59 11 0
                                        

Kiry's Pov:

Grabe! Ang bilis ng araw! Moving up na pala! Ito yung araw na magkahalo yung lungkot at saya. Saya kase syempre tapos na. Tapos na yung paghihirap mo at malapit mo nang makuha yung ninanais mo. At lungkot kase tapos na. Tapos na yung mga araw na kasama mo sila. Yung mga taong tinuring mong pamilya sa loob ng isang silid aralan.

"Kiry, tara na! Nako! Late na kayo ni Jeng", sabi ni mama.

"Opo, eto na", sabi ko.

Sumulyap muli ako sa salamin at tsaka bumaba mula sa kwarto ko. Nakita ko si mama na nagsusuklay sa may sofa.

"Oh, tawagin mo na na sila Tita Janice mo dun", sabi ni mama.

Lumabas ako ng bahay at tumungo sa pintuan nila. Kumatok ako ng dalawang beses at agad namang bumukas ang pinto nila.

Sumalubong sakin ang magandang mukha ni Jeng. Simple lang talaga syang mag ayos.

"Wait lang ah. Si mama kase inaayusan pa si Jing eh", sabi nya. "Pasok ka muna?".

"Sige", sabi ko at umupo naman sa sofa nila gaya ng sabi nya.

Grabe. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Totoo ba toh? Ito na ba talaga yung huling araw na makikita ko syang nakasuot ng uniform namen?

Andami kong gustong gawin bago sya tuluyang umalis. Gusto ko syang makausap. Gusto kong magsorry. Gusto ko syang yakapin. Pero di ko alam kung pano ko sisimulan.

Pano ko nga naman sisimulan kung lagi nya kong pinagtatabuyan? Sa tuwing lalapit ako, iiwas sya. Ayaw nya kong makita diba?

Gusto nya na ba talagang magkalimutan na kami? Kase ako, ayoko. Ayoko at hindi ko kaya. Gusto kong maayos toh. Gusto kong malaman na nya na mahal ko sya. Pero pano?

"Oh ayan, tara na! Nako! Late na naman kami", sabi ni Jeng.

"Oh sige na, labas na kayo. Ila lock ko lang tong pinto", sabi ni Tita kaya lumabas na nga kami.

Pumasok na kami sa kotse. Magkabilaang bintana kami ni Jeng habang si Jing naman ang pumapagitna samin.

"Oh, ok na ba kayong dalawa?", tanong ni mama.

"Opo tita", sagot niya.

Napatingin ako sa kanya habang sya ay nagccp lang. Ilang saglit pa ay sumakay na din si tita kaya umalis na kami ng bahay.

Nakarating na din kami school. Pagbaba namin ay naririnig na namin ang tugtog sa pagmamartsa kaya dali dali kaming pumasok.

Pagpasok namin nakikita namin ang mga kaklase naming sinesenyasan kami na magmadali.

"Late na naman kayong dalawa, hay naku!", sabi ni Kim pagdating namin sa pila.

"Dalian nyo pumila na kayo".

Ilang saglit pa ay nakapasok na ang lahat at nagsimula na din ang ceremony.

Habang patuloy ang programa, wala akong ibang ginawa kundi sulyapan si Jeng. Hanggang sa nagsalita na ang guest speaker.

"Sa wakas. Narating nyo na ang araw na ito. Masaya, oo. Pero syempre malungkot din. Bakit? Hindi mo na makakasama yung mga taong araw-araw mong nakikita at nakakasalamuha. Yung iba, lilipat ng section, yung iba lilipat ng school, yung iba lilipat ng bahay, yung iba naman mag iibang bansa. Pero isa lang ang masasabi ko sa inyo, wag nyong hahayaan na magkahiwa hiwalay kayo ng may galit sa isa't isa. Dapat i treasure nyo yung memories nyo dahil hindi nyo naman alam kung maaulit pa yun. At wag kayong magsasayang ng panahon. Minsan lang ang buhay".

Natamaan ako sa sinabi nya ah. Napalingon ako kay Jeng at napansin kong nakatingin sya sakin. Ngumiti muna sya bago ialis ang tingin sa akin.

Napuno ng iba't ibang emosyon ang programa. Nangibabaw ang luha. Ang lahat ay nagyayakapan nang matapos ang programa. Nakangiti habang may pumapatak na luha mula sa mata.

"Whoooo! Senior High na ko next year!", masayang sabi ni John.

"Ang bilis talaga ng panahon! Magkakahiwa hiwalay na tayo!", sabi naman ni Danica.

"Pero tayo, hinding hindi maghihiwalay", banat naman ni Niel.

"Sussss! Nako dapat maging ninong ako ng mga anak nyo ha!", sabi ni John.

"Tsk tsk tsk! Yung isa dito, iiwan na tayo oh. Mangingibang bansa na!", sabi ni Kim.

"Mamimiss ka namin, Amara!", sabi ni Jake.

"Ako din mamimiss ko kayo sobra! Lagi naman akong tatawag", sabi naman nya.

"Sana talaga gumaling na si tito", sabi ni Kim.

"Kaya nga eh. Pero syempre dapat gawin nating memorable ang araw na toh kase di natin alam kung kelan babalik si Amara", sabi ni Dan.

"Tama! So ano? Bihis muna tayo tas diretso ma sa perya?", sabi ni Kim.

"Oo sige tara!", sabi ko naman.

Umuwi muna kami nina Jeng at sa bahay ay mayroong inihanda sina mama at Tita para sa amin.

Nandun din ang mga kapit bahay namin.

"Taray naman ng dalawang toh! Congrats sa inyo ah!", bati ni Ate Tess.

"Thank you ate", sabi namin.

"Nako, mamimiss namin kayo. Pagbalik nyo isama mo na ang papa mo ha. Tagal na namin syang di nakikita", sabi naman ni Ate Carol.

"Opo ate Carol. Mamimiss din namin kayo super".

"Nako baka magkaiyakan pa kayo dyan! Sige na, magbihis na kayo at kumain para di kayo masyadong gabihin sa perya", sabi ni Tita Janice.

Umuwi muna si Jeng para magpalit at umakyat na din ako para mag bihis. Pagbaba ko ay kumuha na ko ng pagkain naming dalawa at dinala sa may garden nila.

"Oh tara kain na", sabi ko sa kanya pagkalabas nya.

"Ahh sige salamat", sabi naman nya.

Grabe. Namiss ko toh. Namiss ko yung boses nya. Buti ngayon nagpapansinan na kami.

Umupo na sya sa bakanteng upuan at nagsimulang kumain. Napaubo ako. Napatingin sya sakin at umiling ng nakangiti.

Napangiti din ako at kumain na din. Pagtapos naming kumain ay nanatili padin kaming nakaupo roon.

"Grabe ang sarap. Nabusog ako", sabi nya.

"Ako nga den eh", sabi ko naman at napatingin ako sa kanya.

Napansin kong may dumi sya sa mukha. In extend ko ang kamay ko para sana punasan yun kaya napatingin sya.

"Ahh.. May dumi ka sa mukha", sabi ko.

"Ayt. Sorry", sabi nya at nagpunas ng mukha.

"Yan ok na", sabi ko naman.

Nagdadalawang isip ako kung magpapaliwanag ba ko sa kanya kung bat di ko sya nasipot o wag na?

Ayaw na kase nyang pag usapan yun diba? Pero syempre gusto ko pading alam nya yung nangyari. At gusto kong malaman na nya na mahal ko sya. Pero di ko alam pano ko sisimulan.

Huminga ako ng malalim at bumwela ng pagsasalita. "Jeng-".

"Tara na. Magpeperya pa tayo", sabi nya at dinala na ang pinagkainan nya.

Mukhang ayaw nya talaga yun mapag usapan ah. Hindi ko na nga ie-explain. Ok naman na kami ngayon eh. Baka mainis lang sya kapag inopen up ko pa yung topoc na yun.

-----------------------------------------------------------------

"Sometimes you have to stop trying to control everything and let life happen the way it's supposed to even if it's not exactly the way you wanted."

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon