Chapter 43: HHWW

46 12 0
                                        

Kiry's Pov:

Nasa palengke na kami ngayon. Si Jeng ang kumakausap sa tindera para tumawad sa mga presyo. Susunod na sana ko sa kanya pero nilapitan ako ni Kim.

"Oy! Musta?", bati nya.

"Eto, oks lang naman. Baket?", sabi ko.

"Wala naman. Nagtatanong lang masama ba?", sabi nya.

"Hhmmm.. Anong oras kaya ko makakauwi?", tanong nya.

"Sus! Uwi agad nasa isip mo eh samantalang ikaw tong pinakahuling dumating".

"Anong pinakahuli? Ako nga pinaka una. Hinigit lang ako ni Amara sa bahay nila kaya natagalan kami. Pagdating namin sa inyo kami na lang pala kulang", paliwanag nya.

Kaya pala. Nagchismisan pa kayong dalawa. Tsss! Mga babae talaga!

"Eh kahit na! Atlis ikaw pinakahuling nakapunta sa bahay", sabi ko naman.

"Tssss! By the way, bakit nga pala nandon na agad si Amara don sa bahay nyo kanina? May ginawa kayo noh? Ano ginawa nyo ha?", pag uusisa nya.

"Gastug ka! Sinasabi mo?", sabi ko.

"Sus! Eh ano yung sabi niya na nag ano daw kayo?", sabi nya.

Ano? Nag ano? Sinabi nya kaya yung nangyare sa nabasag na baso? Pero, bat nya sasabihin yun? PUTEK! Baka naman... baka yung.. sa CR?!!!

"ANO?! ANONG NAG ANO?!", nabigla ako sa mga naiisip ko.

"Hahahaha! Gulat na gulat? Joke lang wala syang sinasabi. Pero ano nga? Anong ginawa nyo?".

Putek talaga! Kinabahan ako dun. Ibig kong sabihin, di naman nakakahiya yung ano ko noh? Maganda naman ang katawan ko.. teka! Ano bang mga pinagsasasabi ko?!

Napansin kong naglakad na sila. Nasa unahan sina Jeng at kasama ni Jake. Sumunod naman sa may harapan namin sina Mark at Ashley.

Ang daldal kase ng babaeng toh eh. Naiwanan tuloy kami sa likuran. Lubayan mo nga ko Kim!

"Huy ayon na sila oh! Naiwan na tayo", sabi ko at naglakad na. Sumunod naman sya.

"Sus! Iba iba ng usapan...", sabi nya habang iniinis ako.

"Ano ba yun? Ano bang iniiyak mo?", sabi ko.

"Naglinis lang kami tsaka inayos yung mga gagamitin para dirediretso tayo mamaya", sabi ko ulit.

"Ahh...", sabi nya lang.

At sa wakas natahimik din sya sandali. Sa pagtahimik nyang yun, napatingin ako kila Jeng sa unahan. Ang dami nyang bitbit. Hindi man lang tulungan netong si Jake.

"Hhmmm.. Bagay sila noh?", sabi ni Kim. Ano ba naman toh? Bigla bigla na lang nagsasalita. Adik ka ba tol?

"Ha?".

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon