Chapter 72: Comeback

53 12 0
                                    

Jane's Pov:

Grabe! Hindi ko in-expect na makakaipon ako 8000 sa pagtitinda ng mga desserts. Siguro dapat magpatayo na lang ako ng business? HAHAHA!

Gusto ko sana magtinda pa pero sabi ni mama na pumasok na ko kase nagchachat naden sakin yung mga kaklase ko na magpa practice na kami for the moving up.

So ayun, kasama ko ngayon si mama papasok sa school. Syempre, kakausapin yung adviser ko about sa pag absent ko ng matagal and siguro aasikasuhin yung mga requirements ko sa paglipat abroad.

"Nako, late ka na. Ang bagal mo kasi kumilos eh. 'Di tuloy tayo nakasabay kay Kiry", sabi ni mama habang papasok kami sa gate ng school.

Sos. Mas gusto ko ngang hindi sya kasabay eh.

"Ok lang yan ma. Hindi na rin naman kami nagkaklase eh", sabi ko at umakyat na kami.

Pag akyat namin, mukhang shookt ang mga kaklase ko. Hahaha! Ngayon lang kayo nakakita ng maganda?

Halos lahat sila sinundan kami ng tingin papunta kay maam.

"Hi maam, good morning po", bati ni mama sa adviser namin.

"Ay good morning din po", sabi naman ni maam.

"Hi maam. Ako po ang mama ni Amara. About sa pagiging absent nya...", panimula ni mama.

"Ahh oo nga po eh. Halos one week din syang absent. Ano po bang nangyari?", tanong ni maam.

"Ahh yung papa po kasi nya, nagkasakit. Eh nasa ibang bansa po yun. Kailangan po syang maoperahan as soon as possible. Dun na po namin piniling paoperahan sya para di na sya mahirapan. Eh gusto naman po nila kasama nila ang papa nila 'pag inoperahan na sya. At ayun po, ang mahal ng pamasahe plus yung bayad pa sa ospital dun. May ipon naman po kami pero kasi gusto ng papa nila na habang nagpapagaling sya dun eh nag-aaral naman silang magkakapatid. Kaya po absent sya ng matagal eh tumulong kasi syang makapag-ipon kami ng pera. Sabi ko nga po 'wag na eh, pero mapilit".

"Ahh ganun po ba. Ang bait naman palang bata nitong si Amara", sabi ni maam. Enebe!

"Sakin naman po ok lang yun. Wala na din naman po silang ginagawa. At yung sa clearance naman po nila, yung president nila ang nag-aasikaso para isang pirmahan na lang. Sasabihin ko na lang din po sa mga subject teachers nya yun".

"Salamat po maam ah".

Mukhang mahaba-habang usapan pa ito kaya pinili ko na lang na umalis at maupo sa upuan ko. Pinag uusapan pa kasi nila yung about sa pag transfer ko.

Pagbalik ko sa upuan ko, para kong celebrity na pinagkaguluhan ng mga kaklase ko.

"Oyy kamusta?".

"Bakit ang tagal mong absent?".

"Nyare sayo girl?".

At syempre ayun. Storytelling ang peg ko. Habang nagkukwento ako, napansin kong wala si Kiry sa room.

Ano ba Jeng? Wag mong hanapin yung taong walang pake sayo!

"Oh tapos? Anyare?", sabi ni Kim nung napahinto ako sa pagkukwento.

"Edi ayun. Dun na ko magsisenior high", sabi ko.

"Halaaaa! Ang layo naman! Ba't ganon? Hindi ka na namin makikita!", sabi ni Kim.

"Oyy Kiry!", pagtawag ni Niel kay Kiry nang mapansin ito.

"Andito na si Amara oh", dugtong nya.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon