Kiry's Pov:
Kahit marami ang nakatingin sa akin ay dumiretso ako sa paglalakad. Hinabol ako nila Niel pero huminto din sila nang hindi nila ako mapigilan.
Nang makarating ako sa likod ng building namin, kung saan walang tao, sumandal ako sa pader at nag isip.
"Hahahaha! Para kang tanga Kiry", natatawa kong sabi sa sarili.
"Bobo ka ba? Bat umalis ka agad? Para kang bakla ah".
Patuloy kong kinakausap ang sarili ko dahil wala namang nakakarinig saken.
"Ano umalis ka dahil nasaktan ka? Nagalit ka? Bakit ka magagalit? Bat ka magagalit ha?! Ano ka ba nya?! Kaibigan ka lang! Kaibigan ka lang!".
Napahinto ako bigla at napalunok. Parang bumagsak bigla ang puso ko. Ang sakit. Tumingala ako para pigilan ang emosyon ko.
"Taragis na yan! Pakiramdam ko nasayang yung tatlong taon ng buhay ko! Tatlong taon na pagmamahal ko!", at nagsimula nang gumaralgal ang boses ko.
"Umasa lang pala ko sa wala.. Ano ba meron dun sa Troy na yun?! Niloko na sya! Binalikan pa! Eh ako! Andito naman ako pero bat di nya makita?!".
Nagsimula nang tumulo ang luha ko. Kahit pigilan ko di ko magawa.
"Walangya Kiry! Babae lang yan! Iniiyakan mo? Babae lang yan!".
Pinipilit kong paluwagina ng pakiramdam ko pero hindi... Bumigay na rin ako.
Nilagay ko ang kamay ko sa mata ko para pigilan ang mga luhang bumabagsak.
"Baket sya pa?", mahinang sabi ko.
"BAKIT SYA PA?!", sigaw ko at sinuntok ang pader.
Hindi ko tinanggal ang kamay ko sa pagkakasuntok at iniyukod ang ulo sa pader.
Nilabas ko lang lahat ng sakit. Lumuha ako nang lumuha.
Walang wala ang dugo sa mga kamay ko sa pagdurugo ng puso ko ngayon.
Matapos kong mailabas ang lahat, napahinto ako sa pag iyak. Huminga ako ng malalim at dumilat.
Inalis ko ang ulo at kamay sa pader. Gamit ang isa kong kamay ay pinunasan ko ang luha ko at nagsimulang maglakad.
Habang tumutulo ang dugo sa kamay ko ay wala akong pakundangan sa paglakad. Nang makarating ako sa maraming tao ay napatingin sila sakin pero patuloy akong maglakad papunta sa cr.
Pagdating ko sa cr ay natigilan din lahat ng tao don at nakatingin lang sa akin. Kahit ganon, tuloy tuloy lang akong naglakad at inilagay ang dumudugong kamay sa lababo.
Binuksan ko ang gripo at pinatuluan lang ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa gripong tumutulo at di ginagalaw ang kamay.
Nung parang huminto na ito sa pagdudugo ay inalis ko na ang kamay ko at pinatay ang tubig.
Sinundan nila ako ng tingin hanggang sa mawala na ko sa mga paningin nila.
Naglakad ako dirediretso papuntang room namin at pagdating ko dun ay nahinto ang iba sa pag tatawanan nila at napatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Ficção AdolescenteAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...