Chapter 6: Clinic

78 27 2
                                    

Jane's Pov:

Nakarating na kami sa clinic. Inihiga na ng boys sa kama si Kiry.

"Sir, ano pong nangyare?", sabi ni Nurse at lumapit kay Kiry upang i check sya.

"Sobrang init nya ahh", sabi nya matapos ilagay ang kamay sa noo ni Kiry.

"Nabasa po kase kami kanina ng ulan", singit ko.

"Naku ang lakas pa naman ng ulan kanina", sabi ng nurse habang nilalagay ang thermometer sa may kilikili ni Kiry.

"Nurse Tan, ikaw na muna bahala sa kanya ah. Tatawagan ko lang ang mama nya para sunduin sya", sabi ni sir.

"Sir, mawalang galang na po. Mas mabuti po siguro kung antayin po muna nating bumuti ang pakiramdam nya ago sya umuwi. At isa pa po, wala den po sa bahay nila si Tita Lovely kase po nasa Laguna po sya ngayon nagta trabaho", paliwanag ko.

Napailing at saltik sya, "Naku pano yan?".

"If okay lang po sa inyo Sir at sa ibang teachers, ako na po muna magbabantay sa kanya. Pag ok na po sya, iuuwi ko na po sya dun muna sa bahay namin", suggestion ko.

Nakatingin sakin yung mga boys kong kaklase. What?

"Tama! Ganun na lang. Sige Amara. Bantayan mo muna si Kiry at kukuha lang ako ng letter para makalabas kayo mamaya", anang sir.

"Sige na boys bumalik na kayo sa room. Sabihin nyo sa kanila sagutan na yung seatwork sa page 201. Yung A", utos ni sir.

Nagpaalam na sila sakin bago umakyat.

"Amara, ikaw na bahala kay Kiry ah!".

"Una na kami sa taas".

Tumango na lang ako. Pagkaalis nila ay umalis na din si sir.

Naiwan kaming tatlo ng nurse sa clinic. Tumunog na ang thermometer kaya kinuha na ito ng nurse.

"Tsk tsk tsk. 39°", napailing iling sya. Pumunta sya sa may lababo para kumuha ng planggana at towel.

"Ano pong pwede kong maitulong?", tanong ko.

"Pakihubaran na lang sya", pakisuyo nya habang naglalagay ng tubig sa planggana.

"Sige po", at sinimulan ko na syang hubaran.

Pagkatanggal ko sa damit nya ay napansin kong may luha sa gilid ng kanyang mata. Napaupo ako sa tabi nya at tinignan ang mukha nya.

Nilagay ko ang kamay ko sa may pisngi nya para punasan ang luha nya pero hindi ko agad iyon tinanggal.

"Ikaw kase eh", bulong ko.

"Ano tapos na?", biglang dumating ang nurse na may dalang plangganang may tubig at towel kaya napatayo ako.

"Opo".

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon