Kiry's Pov:
Uwian na pero karamihan samin ay hindi pa umaalis sa room dahil sa magandang balitang nalaman namin.
"Oyy pre ano? Sino partner mo ngayon?", tanong ni Niel kay John.
"Di ko pa alam eh. Ikaw ba?", sabi ni John.
"Sus tinatanong pa ba yan? Syempre yung jowa nya", sabi ni Zach.
"Oo pre! Tulungan nyo ko gumawa ng surprise ha?", sabi ni Niel.
"Sus pa surprise surprise pa! Magjowa naman na", sabi naman ni Jake.
"Eh syempre dapat sweet paden! Tss! Bt ikaw ba? Sino ba partner mo?", tanong ni Niel kay Jake.
Napatingin ako non sa kanya. Naisip ko ang sinabi ni Kim. Pano kung si Jeng ang piliin nya? Hindi! Bat naman nya pipiliin yun?
"Makikita nyo na lang sa prom", sabi nya at tumawa.
Sus napakadami pang pasakalye!
"Sino nga?", tanong ko. Napatingin sya sakin.
"Basta close mo", sabi nya at tinaas ang kilay.
Nabigla ako sa sinabi nya. Magsasalita pa sana ko para itanong kung sino ba yung tinutukoy nya pero biglang dumating sina Jeng.
"Kay, di ka pa uwi?", tanong nya.
"Ikaw ba? Uwi ka na?", tanong ko naman.
"Di pa naman pero aalis kami ni Kim eh", sabi nya. San pupunta tong mga toh?
"Sama ka?", tanong ni Kim.
"Mukhang may ginagawa ata sila. Tayo na lang dalawa", sabi ni Jeng.
"Ahh hindi wala. Nag uusap lang kami tungkol sa prom. Kung sino yung mga magkakapartner", sabi ni Zach.
"Ahh.. May partners na kayo?", tanong ni Kim.
"Wala pa.. nag iisip pa lang kung pano namin mapapa oo yung aalokin namin. Since babae ka naman, ano ba gusto ng mga babae? Balak ko kaseng alukin si Ashley eh. Ano kaya trip non?", sabi ni Zach.
"Weh?! Si A-".
"Shhh! Wag kang maingay Kim! Surprise nga eh!".
"Ayy sorry... Ikaw ahh! Gusto mo pala si Ashley ah".
"Oo dati pa".
"Bat di mo yun alam? Akala ko ba number 1 chismosa ka dito sa room?", sabi ni Jake.
"Ano?!", sabi nya at nag amba ng suntok kay Jake pero inawat sya ng tumatawang si Jeng.
"Kayo ba may mga partner na kayo?", tanong ni John.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Dla nastolatkówAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...