Jane's Pov:
3:29 am na. Kagigising ko lang. Aga noh? Field trip kase namin ngayon. Kagabi palang naghanda na ko ng mga dadalhin ko. Extra shirt, food and drinks, phone, ID, extra money, my bag and of course ang susuotin ko.
Pagkatapos ko kumain ay naligo at nagbihis na ko. Suot ang uniform, bag at eyeglasses ko ay bumaba na ko.
"Ma, alis na po ako", sabi ko at kumiss na sa pisngi ni mama.
"Sige ingat kayo ah! Wag kang lalayo sa mga kasama mo. Tabi na kayo ni Kiry sa bus ah", paalala ni mama.
"Tas yang salamin mo! Ingatan mo yan ahh", dagdag nya pa.
"Yes po mother", sabi ko at kumindat.
Paglabas ko ng bahay ay saktong andun na si Kiry at Tita Lovely. Ihahatid kase kami ni Tita eh. Wala kaming mapagba back ride an ng alas 4 ng madaling araw kaya ayun.
"Sakay na!", aya sakin ni Kiry.
Tumango ako at sumakay na sa kotse nina tita.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami ng school. Andaming mga bus na nandoon. Andami ding mga excited na estudyante.
"Sige mag iingat kayong dalawa ah", sabi ni tita pagkababa namin.
"Opo tita. Salamat po", sabi ko at bumeso sa kanya sa bintana.
"Bye ma! Love you", sabi naman ni Kiry at bumeso rin.
Umalis na si tita at pumunta na kami ni Kiry sa covered court ng school namin para roll call.
Pagtapos i announce ang mga no. ng bus na sasakyan, tinungo na namin ni Kiry ang sasakyan namin. Bus 17.
Dun kami umupo sa may gitna. Ako sa may bintana, sya sa tabi ko. Nang kumpleto na ang lahat, umandar na din ang bus na sinasakyan namin.
12:00 na. Kagagaling lang namin sa 4 na museums. Nag lunch kami sa loob ng bus.
"Amara, anong ulam mo?", tanong ni Kim mula sa likod.
"Siomai tsaka itlog. Gusto mo?", alok ko.
"Ako pa ba tatanggi?", sabi nya kaya binigyan kp sya ng ulam ko. "Eto kuha ka ng hotdog", alok nya din sakin.
Kumuha ako at nagpasalamat. Sa tabi ko ay tahimik na kumakain si Kiry.
"Ok ka lang ba? Bat ang tahimik mo?", tanong ko.
"Oo", sabi nya. Nagkibit balikat na lang ako.
Nang matapos kumain ang lahat, tumungo na kami sa last stop namin. Dito namin gugugulin ang nalalabing 7 oras ng aming field trip. Sa Amusement Park!
Maraming beses na rin naman akong nakapunta dito pero ngayon lang ako makakapunta kasama ng mga kaklase ko.
Nakarating na kami sa Amusement Park at bago kami bumaba, binilinan kami ng mga guro at tour guide na kasama namin.
"At exactly 8:30 pm, all of you should be inside this bus. If possible, magsama sama kayo para isang tawagan na lang. Be responsible students ok?".
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...